Anak ni DJ Mo Twister, ipapangalan na sa bagong asawa ni Bunny Paras! – Lolit Solis

PINAUNLAKAN NI BUNNY Paras ang Startalk nu’ng nakaraang Sabado para i-share ang kanyang pagpapakasal sa kanyang Fil-Am boyfriend na si Tom Greenway. Tatlong taon na pala niya itong karelasyon at nagpakasal na sila nu’ng October 23 sa Las Vegas. Dumalo roon ang pamilya ni Bunny pati ang kapatid niyang si Shairmaine Arnaiz.

Pero tuwang-tuwa si Bunny sa pagkuwento na malaki ang suporta ng pamilya ng lalaki na gustung-gusto siyang maging manugang.

Bongga nga ang kasalang ‘yun at pagkatapos nu’n ay binigyan sila ng magulang ng lalaki ng bakasyon sa Hawaii. Higit sa lahat, mahal na mahal daw nitong lalaki ang anak ni Bunny kay DJ Mo Twister na si Moira. Parang ito na raw ang kinikilalang ama ni Moira at ang susunod nga na balak nina Bunny, ipapangalan na sa asawa niya ang kanyang anak na si Moira.

Siguro naman hindi na raw ipagkakait ‘yun ni DJ Mo dahil hindi naman ito nakakasama ng bata nang madalas. Parang mas close na nga to sa asawa ni Bunny, kaya gusto naman nilang maging Greenway na rin ang apelyido nito para kumpleto na raw silang pamilya. May kinikilalala nang Daddy ang kanyang anak.

Okay lang kaya ito kay DJ Mo?

TIYAK NA TIYAK si Sen. Bong Revilla na maipalabas sa darating na Metro Manila Film Festival ang pelikula niyang Panday na entry ng GMA Films at Imus Productions.

Naniniwala si Sen. Bong na wala silang nilabag na batas sa Comelec kaya kahit nagdeklara na itong tatakbo siya uli sa pagka-senador, hindi pa naman daw siya nangangampanya sa pelikulang ito. Siyempre, ginagawa lang naman niya ang trabaho niya bilang artista na bahagi ‘yun sa kanyang trabaho bukod sa pagiging pulitiko.

Tinanggihan na nga ni Sen. Bong ang alok na maging ka-tandem ni Gibo Teodoro na tatakbong presidente na tinanggap naman ni Edu Manzano. Noon pa man ay nagsalita na si Bong na susundin niya ang hiling ng Daddy niyang si Mang Ramon na huwag munang maghangad ng mas mataas na posisyon. Bata pa naman siya at tama na sa kanya ang re-electionist sa pagka-senador.

Dahil sa magpa-file na si Bong ng kanyang kandidatura, hindi na muna ito mapapanood sa kanyang Kap’s Amazing Stories. Cute naman ang ipinalit sa kanya dahil ang bunso nitong si Ramboy Revilla na sobrang bibo. Kasama niya rito ang iba pang bata ng GMA-7 dahil pambata naman ang programa niyang napaka-educational sa lahat.

CONGRATULATIONS KAY JOEL Cruz na winner sa nakaraang Celebrity Duets.

Siyempre, kinarir ni Joel ang pagsali niya sa show na iyan para manalo at nagbunga naman ang lahat na hirap niya.

Napansin ko lang, parang hindi yata type ng ibang contenders na siya ang nagwagi. Naobserbahan ng karamihan na sina Mikaela at Akihiro Sato lang ang natutuwa sa pagkapanalo niya. Hindi man lang siya nilapitan ng ibang kasamahan niya sa Celebrity Duets para i-congratulate.

Naku day! Tingin ko, inggit lang sila at hindi nila nakayanan ang ginastos ni Joel sa text votes.

‘Di ba sabi nga ni Tessa Prieto-Valdez, sa pakontes na ‘yun dapat talagang pairalin mo ang vote-buying, ‘no! ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

6 thoughts on “Anak ni DJ Mo Twister, ipapangalan na sa bagong asawa ni Bunny Paras! – Lolit Solis

  1. bunny should do it, for a self-centered father like dj mo one should be open to all options, please! besides, ang bantot nang tunay na pangalan ni dj mo, kawawa naman ang bata bwahahaha!

  2. Da hu bunny paras? Celebrity duets?? Naku lolita puro laos and flop show ang binabalita mo. Palibhasa laos k ng matanda ka! Pareho kayo ni joey deleon. Mga papansin!

    • Si Bunny Paras ang ina ng anak ni DJ Mo na hindi niya sinusuportahan. Kahit singko…walang padala si DJ Mo..eh meron kapansanan iyong bata. Walang pakialam ang DJ MO. Abala sa pang iinsulto sa mga artista ang baklang ito super crush si Hayden Kho. Bakla iyang si DJ MO!!!

      • at kwidaw ka, very disturbing ang photo ni DJ Mo dito sa article ni Manay Lolit Tulis, kita mo yung itlog nya di mapakali hahahaa!!!

  3. Da hu bunny paras? Celebrity duets?? Naku lolita puro laos ang flop show ang binabalita mo. Palibhasa laos k ng matanda ka! Pareho kayo ni joey deleon. Mga papansin!

Leave a Reply

Your email address will not be published.