Anak ni Coco Martin, tinutuksong dyowa ng bading ang ama

LAGING MARESPETO SI Coco Martin na tumangging magbigay ng anumang komento kapag din lang ang itatanong sa kanya ay tungkol kay Katherine Luna at sa diumano’y naging anak nila nu’ng magka

roon sila ng relasyon habang pareho pa silang mga baguhan sa showbiz. Katulad na lamang nang isyung diumano’y minsan ay umiiyak na umuwi sa house nila ang anak ni Katherine, galing sa school. Kinakantiyawan daw kasi ng kanyang kaklase at kalaro ng mga salitang ang daddy raw pala niya ay jowa ng bading!

Nakakaawa naman ang anak ni Katherine. Pero kung tutuusin, wala namang dapat ding sisihin kundi ang kanyang nanay na si Katherine. Kasi nga, nu’ng magdadaldal siya sa telebisyon, siya naman itong sa tindi ng galit na ibinabato kay Coco, ay siya ang nagbibigay ng patototoo, na si Coco nga diumano ay malapit sa mga bading sa showbiz, lalo na sa mga makakatulong sa pag-angat ng kanyang career.

Kung kinantiyawan man ang anak ni Katherine tungkol sa mga bading na napapalapit kay Coco, iyon talaga ang ibinunga ng pagdaldal ni Katherine, na napanood lang ng maraming tao sa telebisyon. Kung magi-ging maayos sa tamang panahon ang relasyon ni Coco at sa diumano’y anak nila ni Katherine, malalaman  niya  rin siguro, na sa showbiz ay hindi na malaking isyu kung ang isang artistang lalaki ay matsismis sa pakikipagkaibigan sa mga bading. Mula sa kasikatan nina Christopher de Leon at Mat Ranillo, III hanggang sa panahon nina Piolo Pascual, Sam Milby, Jake Cuenca at Gerald Anderson, walang nakaligtas sa ganyang tsismis.

ISANG PAGPAPATUNAY NAMAN si Amy Perez bilang isang huwarang mommy, na dumanas din ng masalimuot na relasyon at wala sa panahong pakikipaghiwalay sa kanyang unang asawa. Wika ng host sa programang Face To Face ng TV5 ay isa iyon sa pinakamalungkot na panahon ng kanyang buhay, dahil lalaki ang kanyang anak, at lumalaking siya lang ang nakikita at nakakasama habang sabik na sabik sa panahon ng kanyang daddy.

Good karma si Amy at ang kanyang anak sa pinagdaanan nilang pagtitiis. Ngayon kasi, nagkaroon na ng bagong lalaking nagmamahal sa kanya, na tumanggap at nagturing sa kanyang anak bilang parang sarili niya ring anak. Muli ring humataw ang career ng magandang TV host. “Hindi ko siniraan sa anak ko ang kanyang tunay na daddy. Kahit pa ano ang nangyari sa amin ng tatay niya, gusto kong lumaki ang anak ko na may respeto sa kanyang daddy,” wika ni Amy.

PAREHONG NAGPAPAKATATAG SINA Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz sa kanilang relasyon. Nagpatibay daw lalo sa kanilang pagmamahalan at mga matitin-ding intrigang kanilang pinagdaa-nan noong nakalipas na taon. Hindi raw naman perpekto ang kanilang relasyon, pero anumang problema ay kanilang pinag-uusapan patu-ngo sa kaayusan. Kaya hanggang ngayon, masasabi pa rin nilang maayos ang kanilang samahan, kontra sa mga usap-usapan na lagi silang mayroong hindi pagkakaunawaan.

Hanggang ngayon naman, marami pa ring mga pagtatangka na masira ang kanilang relasyon. Lagi pa ring nababanggit ni Ruffa Gutierrez ang pangalan ni Lloydie, dahil bati na raw sila. Nitong huli, biglang ginagawan ng isyu sina Angel Locsin at ang actor, dahil magkasama sila sa teleseryeng Imortal ng ABS-CBN. Parehong abala ngayon sina Shaina at John Lloyd sa kanilang magkakahiwalay na trabaho. Pero kahit daw mayroong mga araw na hindi sila nagkikita dahil sa taping at shoo-ting ng magkakaiba nilang proyekto, lagi silang mayroong communication, kaya nagkakaintindihan sila lagi.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Anak ni Coco Martin, tinutuksong dyowa ng bading ang ama

  1. Coco Martin is a father to Katherine Lunas child. Carbon copy talaga. Abs I will protect their talents no matter what it costs. Pag di na Sikat di coco, aamin din yan just like what happen to piolo and dither na sobrang Sikat noon pero inamin din sa Huli… Abs style no bulok….

Leave a Reply

Your email address will not be published.