Anak ni Andi Eigenmann, hinahanapan ng pagkakahawig kay Albie Casiño

CONSISTENT SI ALBIE Casiño sa kanyang pagiging matahimik sa patuloy pang isyu nila ng dati niyang karelasyon na si Andi Eigenmann. Ngayon kasing nakapanganak na ang magandang aktres at pinipigurahan ng mga tao ang hitsura ng baby girl na apo nina Jaclyn Jose at Mark Gil, marami ang naghahanap sa anggulo ng bata kung talaga raw may hawig din kay Albie. Kasunod na siyempre niyan ay naglalabasan na rin ang interbyu ng mga pinsan ni Andi na nagbibigay ng mga papuri tungkol sa sinasabi nilang bagong miyembro ng malaki nilang angkan.

Hindi na sumasabay si Albie sa mga bagong kaganapan. Kung magsasalita nga naman siya kapag hiningan ng kahit maigsing reaksiyon, baka pagmulan pa iyon ng mahabang intriga. Lalo pa’t hanggang ngayon, parang labag sa kalooban ng mga magulang ni Andi na mabanggit ang pangalan ng diumano’y ama ng kanilang apo. Hindi naman kasi mga showbiz na tao ang lahi ni Albie, kaya hindi sila komportable na humarap sa kamera para magpainterbyu.

Ngayong nakapanganak na si Andi, positibong sinasabi na muli siyang makakabalik sa pag-aartista. Kabaligtaran sa nangyayari ngayon sa career ni Albie na kahit nariyan lang talaga siya, parang mayroong humaharang na maipagpatuloy niya ang magandang simula ng kanyang movie career. Puro panghihinayang ang nasasambit ng mga taga-showbiz patungkol sa kanya, dahil kung hindi nga naman sila nagkaroon ng hidwaan ni Andi, mainit pa rin sana ang popularity ni Albie, hindi katulad ngayon na puro nagtatanong ang mga nakaka-miss sa kanya kung nasaan na siya ngayon?

 

MARAMI ANG NAGHIHINTAY sa sitwasyon ni Baron Geisler, kung pagkatapos na ma-ging positibo para sa kanya ang dating ng paghingi niya ng sorry sa mga artistang sina Julia Clarete, Cherry Pie Picache at Yasmien Kurdi ay magkakaayos na rin sila sa kanilang gusot ng anak nina Yayo Aguila at William Martinez. Napakahusay kasing actor ni Baron, kaya maganda ring mangyari na sa kanyang pagseser-yoso sa trabaho ay magkaayos na sila ng mga taong nagtuturing na nagawan niya ng atraso para ang susunod na tutok na lang ng mga papuri ay tungkol sa kahusayan niya bilang artista.

Nagparating kami ng mensahe kay William tungkol sa posibilidad na magkaayos na rin ang kanyang anak at si Baron.  Ang aking mensahe para kay William ay ipinarating ko sa pamamagitan ng friend niya at kasama namin sa panulat na si Rommel Placente. Mahaba ang mga paliwanag sa amin ni Rommel na mga sagot daw ng ex-husband ni Yayo. Na ang suma total, parang malabo pa sa mga panahong ito ang tungkol sa pag-aayos nila.

Napakasuwerte ni Baron, dahil pagkatapos niyang lumabas sa rehab ay sumalang na kaagad siya sa maraming trabaho na talagang naghihintay para sa kanyang ipinangakong pagbabalik. Kahit dumaan siya sa pagbibisyo ay hinahanap talaga ang galing niya sa pag-arte. Pero hindi pa siya nakakalaya sa panghuhusga ng marami, kung hanggang kailan niya mapaninindigan na hindi na siya magpapatalo sa tuksong muling malulong sa paglalasing. Pinakikiramdaman ng mga tao at pa-simple nilang inaamoy si Baron kapag nakakatabi para matiyak kung hindi siya amoy-alak.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

19 thoughts on “Anak ni Andi Eigenmann, hinahanapan ng pagkakahawig kay Albie Casiño

  1. @anton bilbao, agree ako sa yo. Ang daming mamamatay na tao sa pinas, mga robbers, mga killers, at iba pang mga kinakatatakutan sa lipunan, sila ang dapat sasagasaan mo Barurot, hindi mo lahatin ang mga bakla, tao rin sila at maski ganuun sila may damdamin din sila, dami namang mga straight dyan pero masama naman ang mga ugali kesa mga bakla. At saka hindi lahat ng mga straight are good either. It is a sign of ignorance and low educational attainment to generalize a certain group. Again, HINDI LAHAT NG BAKLA AY MASAMA AT HINDI LAHAT NG STRAIGHT AY MABAIT.

  2. @barurot: ikaw ang dapat sunugin o di kayay sagasaan sa sama ng ugali mo… buhay ka pa pero ang kaluluwa mo nakareserve na sa impyerno

  3. Sunugin ang mga Putang inang bakla sa Pilipinas. Pag may nakita kong bakla na pakalat kalat sa Edsa puking ina sasagasaan ko talaga…

  4. Andi is a beautiful and talented young actress. She dont need a man who is coward like the father of her child. She has a family who support her and she has her acting career. And now she has that beautiful baby…….What could she ask for more?……….She should just be happy and count her blessing…………Should I also mention that she has millions of fans who adore her?

  5. Neng, matuto ka na sana ngayon at may anak ka na! huwag basta basta ibuka ang legs sa lalaki dahil type mo siya! hada na lang o kya sa wetpu na lang.

  6. Ay sus! Para matapos na ang drama at misteryo–mag pa DNA na! Kakaumay na kasi ang paulit ulit na topic na ‘to. Baka kamo walang perang pampa DNA, mahal siguro ang procedure jan sa Pinas–naghihintay na may magsponsor siguro. Albie mag hanap hanap ka jan ang mayamang bading..and while you are at it, paretoke mo ang Schauzer mo! Anong klaseng ilong yan! jus ko!

  7. @hugoparada, hindi ba ganyan rin ang sabi kay Jennylyn Mercado ? Papaano naman kasi, si Mark Herras, parang ketchup na mahilig makisawsaw kaya sinasabi nilang anak ni Mark ang bata. Pero ngayon, napatunayan na carbon copy ng ama na si Patrick Garcia ang bata. Kaya ikaw Hugo, huwag kang mapanghusga. And don’t make up stories para lang may mai-post ka. PERO ON THE BRIGHTER SIDE, MAS MAIGI NA KUNG HINDI KAHAWIG SI ALBIE. SINO NAMANG BATANG BABAE ANG GUSTONG MAKAHAWIG ANG AMA NA ANG LAKI LAKI NG ILONG? HUWAG NA LANG.

  8. Nakow, hanapan man ng hanapan maya’t maya at oras oras ng pagkakahawig kay Mr Albie Casino ang anak ni Ms Andi Eigenmann, WALA silang makikita! ang mabuti pa, HANAPAN ng pagkakahawig yung anak ni Ms Andi kay JOHN ESTRADA or sa iba pang mga nakabarkada niya at nakaINUMAN sa abs-cbn noong may mga projects pa siyang ginagawa sa DOS. Hindi sa ayaw ni Mr Albie Casino ng responsibilidad, ang GUSTO lang niya MAKASIGURO, sige nga sige nga sige nga DARE DARE DARE, ipa DNA test ang bata, ng MAGKAALAMAN na kung sino talaga ang ama, di ba Mr M hohohohohohoho

  9. DUWAG KAAAAAAAAAAA,YANA NG ANG TATAK SA PAMUMUKHA MO ALBIE,HINDI KA TUNAY NA LALAKI,,,DI KA NMN GWAPO,TANGOS NGA ILONG MO ,PERO MALAKEEEEEEEEEEE,,,,,KAYA HINDI NMN TALAGA DAPAT NA HABULIN KA NI ANDI,,,NAPAKAGANDA NI ANDI,,AT NAPAKARAMING MAGHAHABOL AT MAGMAMAHAL SA KANYA,,EH IKAW,PAG MINAHAL KA NG ISANG BABAE AT BIGLA NAREALIZE NG BABAE NA DUWAG KA NGA PALA,,,LALAYASAN KA ,,, NAINTINDIHAN MO????SIGURO BADING KA KAYA AYAW MO NG ANAK,,NAG-UUMPISA KA PA LANG SA SHOWBIEZ ,ABA’Y BUBULUSOK KA NA AGAD PABABA,HAHAHAHA,,,BUKOL ANG NAPALA MO SA KADUWAGAN MO,,GAGO ANG TAWAG SA MGA LALAKING AYAW NG RESPONSIBILIDAD.

  10. @Ronald, magingay na kung magingay ang mga Eigenmann. At least accepted nila ang bata. Itong si Albie, maliban sa gusto niyang magpa abort si Andi, deny pa ng deny at parang babae kung manira sa ka-partner niya dahil takot na mawalan ng career. Career which obviously he has none. Magaral na lang siya at magtrabaho sa ibang bansa unless gusto niyang nasa ilalim ng saya ng kanyang ina habang buhay.

  11. Papaano malalaman ng babae kung sino ang ama eh marami nga siyang karelasyon. I guess hindi anak yan ni Albie. Saka itong babae hwag siyang magmalinis dahil in the first place nalalandi siya and no man in his right mind ang magseseryoso sa kanya.

  12. Baby pa lang kasi kaya nga hindi pa makikita kung sino ba talaga kahawig ng bata. After one year I am sure malalaman na kung sino talaga ang ama. Si Andi lang talaga ang nakakaalam kung sino talaga ang ama likewise, Abie. Kaya Abie, huag ka ng mayabang pa, tumahimik ka na lang, kasi pagdating ng araw susuko ka rin.

  13. Hindi ko maintindihan tong writer na to kung nagdadamage control lang for baron or sadyang late lang tong praise release nya for baron. Kababalita lang recently sa tv/radio/print/online news ang pagpapauwi ng wala sa oras kay baron from a series of tapings abroad dahil naglalasing na naman daw ito sa airport at sa loob pa lang daw ng eroplano. Useless talaga kahit anong dasal ng mga kamag-anak at kaibigan ni baron for him to change kung sya mismo ayaw magbago. Dapat sa mga tulad nya hindi binibeybi. Kung ayaw nya sa positive approach, pwes daanin na sa harsh punishment i.e. hard labor. Sayang lang ang chance na binibigay sa kanya. Seemingly baron is a hopeless case.

    http://www.bomboradyo.com/news/entertainment-news/86056-baron-geisler-naglasing-na-naman

Leave a Reply

Your email address will not be published.