ANAK NI AMPATUAN, PINASLANG

PATAY ANG BISE-ALKALDE ng Barira, Maguindanao at adopted son ni dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. makaraang tambangan kahapon ng umaga sa Davao City.

Sa sketchy report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktimang si Barira Vice-Mayor Alexander Tomawis.

Ayon sa pamangkin ng biktima na si Sitti Anida Tomawis, isang lalaki ang bumaril sa kanyang tiyuhin sa loob ng isang apartment sa Bgy. Bajada.

Blangko naman ang Davao City PNP sa pagpaslang kay Tomawis habang patuloy pang nangangalap ng ebidensiya para matukoy ang motibo ng pamamaslang.

Si Tomawis ay ililibing sa kanyang bayan sa Barira. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.