Anak ni Aiko, Kilala si Hayden Kho!

NALOKA NAMAN KAMI nang mainterview sa Wow Ang Showbizzz si Aiko Melendez. Pinag-usapan kasi nila ang kondisyon ng kanyang kapatid na si Jam Melendez na nakita rin noong huling gabi ng lamay para kay Tito Douglas Quijano. Nagkataon na nandu’n din si Aiko Melendez na talaga namang hagulgol kung hagulgol sa lungkot. “Hindi lang siya dating manager ko, siya ang discoverer ng daddy ko. Siya ang ninong ni Andrei at ninong ko rin siya sa kumpil.” Paliwanag ni Aiko.

Kasama rin ni Jam noong gabing ‘yun si Deborah Sun na ina ni Jam. Nagkaharap sila ni Aiko at nagkapaliwanagan. Nilinaw ni Aiko na okey na sila ni Deborah Sun at ni Jam, “Medyo okay na. For so long, parang na-misinform si Tita Gigi (Deborah Sun) na hindi ko natutulungan ang kapatid ko. Everytime na nagpapadala ako ng something sa kapatid ko, I always ask Mother Ogie (Diaz) para may witness ako. ”

Dagdag ni Ogie Diaz, na siyang host ng programa, “Minsan kasi naaabuso ni Jam ang tulong na ibinibigay ni Aiko sa kanya. Lalo na nung burol, medyo bagsak ang kanyang katawan niya.”

Ang deal ni Aiko kay Jam, “Sinabi ko sa kanya, magpakabait siya. Ayoko namang maging kontrabida sa lovelife ng kapatid. Hangga’t may mga taong hindi makakabuti sa ‘yo sa paligid mo, hindi muna ako magpaparamdam ng tulong sa ‘yo.”

Nagbilin na rin daw si Aiko kay Jam na, “Nag-text ako sa kanya, birthday nga niya nu’ng Friday midnight, kung puwede sana, magbago na siya. A sister always wants the best for her brother. ‘Wag na rin niyang bigyan ng problem si Tita Gigi, ‘yung mother niya.”

Pagtatapos ni Aiko, “Actually misinformed lang si Tita Gigi. Ang nakarating kay Tita Gigi, hindi ko raw tinutulungan si Jam. Pero okay na kami. At least hindi na siya misinformed, well-informed na siya!”

Sa ibang topic naman, ikinuwento rin ni Aiko na pinapayagan na rin daw niya si Andrei na magkaroon ng exposure sa pag-aartista. “Okay na sa akin ang pa-billboard-billboard niya, ginagawa niya ‘yun tuwing weekends lang naman. ‘Yung sa tweeners sa Bench sila ni Julianna Gomez. Tama na muna ‘yun.” Kay Martheena naman, napakabratinella na raw at magti-three years old na raw ito. Lagi raw itong nanonood ng SNN at naloka na lang daw si Aiko nang minsan daw ay tanungin siya ni Martheena na, “Mommy, ano na ang nangyari sa sex video ni Hayden?” Kaya pinagbawalan na muna raw niya ang panonood ni Martheena ng mga entertainment talk shows!

At panghuli, binigyang-linaw niya rin ang isyung hindi raw boto ang pamilya ni Patrick Meneses sa kanya. Si Patrick ngayon ang Acting mayor of Bulacan, Bulacan. “Oh that’s not true. Nilinaw ko ‘yan kay Nanay Cristy. Nu’ng isang araw lang, Saturday, nasa house namin si Tita Precy okay naman ang relationship namin. Last week, nandu’n naman ako sa bahay nila. She’s been very good to me, very acommodating. ‘Yung mga kamag-anak ni Patrick, na meet ko na lahat, Si nanay, ang bait nilang lahat sa akin.” pagtatapos ni Aiko.

Tatakbo raw na Vice Mayor si Aiko sa nalalapit na eleksiyon. ‘Di naman niya nilinaw kung sino ang gusto niyang maging running mate. Pero binanggit niya na magandang ehemplo ang mga nagawa ni Mayor Sonny Belmonte.

Ni: MJ Felipe

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.