Anak ng sinuntok, bumuwelta Empleyado ng city hall, kritikal sa saksak

KRITIKAL ANG ISANG empleyado ng Caloocan City Hall matapos buweltahan ng saksak ng anak ng sinuntok ng una sa nasabing lungsod kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Caloocan City Medical Center sanhi ng saksak sa katawan si Roberto Lonario, 22, ng Libis Espina ng lungsod at nakatalaga sa Engineering Department.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Joselito Bautista, 23, at kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat, alas-10 ng gabi, lasing na naglalakad ang biktima sa kanilang lugar nang biruin ng ama ng suspek na si Eduardo.

Naiinis ang biktima at sinapak si Eduardo subalit nakita ito ng suspek na naging dahilan upang lumapit at saksakin si Lonario.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa CCMC.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.