Anak ng sikat na personalidad, sobrang angas!

MISMONG ANG NURSE-FRIEND ko ang nagkuwento tungkol sa pagiging maangas ng isa sa apat na anak ng isang tanyag na lalaking personalidad, nang ma-confine ito kamakailan sa isang ospital somewhere in Sta. Rosa, Laguna.

Siya kasi ang attending nurse ng bagets, na mahigpit nitong bilin ay dapat laging naka-lock ang kanyang kuwarto. Ayaw niya kasing labas-masok ang sanrekwang hospital staff, tanging ang aking nurse-friend lang ang gusto niyang nakatutok sa kanya.

“Siyempre, hindi naman 24 hours akong naka-duty, hindi lang naman ako ang nurse na naka-assign sa kanya. Kaya tuloy ‘yung head nurse namin, ‘yung sked na ibinigay sa akin, eh, kung kelan na lang gising ‘yung pasyente,” paliwanag ng aking source.

All throughout the bagets’ confinement ay minsan lang daw siyang dinalaw ng kanyang mga magulang who had to watch over him for only a good 30-minute stay. “Siyempre, dahil sikat ‘yung tatay, talagang pinagkaguluhan siya sa buong ospital. Hayun, dahil sa dami ng mga nagsisiksikang tao, nagkandabasag-basag ‘yung salamin sa ospital.  n fairness, binayaran naman ni (sikat na male personality),” kuwento ng nars.

Da who ang tatay ng supladitong bagets? Isa siyang A.) artista; B.) atleta; C.) pulitiko; D.) all of the above.

(By Ronnie Carrasco III)

loading...

16 thoughts on “Anak ng sikat na personalidad, sobrang angas!

  1. @jun remanie, agree ako sa yo, nurse din ako at bawal yong hindi mo iningatan ang privacy issues ng mga pasyente mo, yong nurse na yon ay hindi tama ang ginawa na pinagsasabi ang nangyayari sa loob ng hospital. Dito sa amerika, we have the HIPPA Law, it’s a privacy act law (federal law) at illegal yon dito na pag-usapan at ipaalam ang kondisyon ng mga pasyente outside of the hospital. Malaki yata ang punishment if found out na ginawa mo ito kasi federal law yong HIPPA na yon dito sa u.s.

  2. napa ka tsimosa naman na nurse yon, naku, bawal ang mga ganoong bagay sa nursing profession, paaano ko nalalaman? nurse po ako.

  3. ang babata pa ng anak ni pacquiao, natural may sumpong yan! Gago pala tong baklang Ronnie na to eh. Bangasin ko mukha mong hayup ka! Tarantado!

  4. Manny pacquiao.nakatira cl sa brent.lapit sa sta rosa hosp(grabe managa ng buhay lalo na pag patay na.)anyway,mga anak nila pacman may attitude problem din kc spoiled ng mga yayabels.

  5. ayusin mo nga ang sinusulat mo! wala nman akong nabasang ginawang masama ng tao, binayaran pa nga niya ang nabasag na salamin. tama lang ang ginawa niya para maiwasan ang kaguluhan sa ospital, tignan mo dahil sa dami ng taong nagkagulo nabasag pati salamin ng ospital, dapat sa iyo ikaw ang ma ospital!!!!!

  6. Pingback: Anak ng sikat na personalidad, sobrang angas! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.