Anak ng Parak, 1 Pa Tiklo sa Drug Bust

ISANG ANAK ng pulis at kasabwat nitong hinihinalang kamag-anak ng isang pulitiko sa Cagayan ang natimbog sa pagbebenta ng shabu matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Baligatan, Ilagan City, Isabela kamakailan.

Kinilala ni PDEA Regional Director Juvenal Azurin ang nasakoteng anak ng isang parak na si Llyod Duarte na residente ng Cauayan City.

Base sa pagsisiyasat, naaresto ng mga ahente ng PDEA at mga kasamahan ng ama ng salarin ang halagang P15,000 na shabu na nakasilid sa dalawang plastic sachets.

Samantala, ang shabu na mayroong isang gramo ang dami ay iniabot ni Duarte sa isang poseur buyer.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.