Anak ng OFW, Ginahasa ng Magsasaka

MATINDING GALIT ang nararamdaman ngayon ng isang dating Overseas Filipino Worker OFW sa isang magsasaka na umano’y humalay sa 14-anyos nitong anak kagabi sa Brgy. Buliran, San Miguel, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala P/Supt. Leon Victor Rosete kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr. kinilala ang nadakip na suspek na si Raymond dela Cruz Y Buenaventura, 25 anyos, may-asawa, mag-sasaka ng Brgy. Calumpang sa bayang ito.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-7 kagabi nang maganap ang panghahalay sa biktima, sa ta-hanan ng kanyang kaibigan makaraang dumalo ito sa isang kasiyahan sa nabanggit na lugar.

Nabatid na hinikayat umano siya ng kanyang kaibigan na uminom ng alak. Dahil sa tiwala sa mga kaibigan pinagbigyan niya ito ng isang tagay,kung saan nakaramdam agad ito ng matinding pagkahilo.

Ayon sa biktimang itinago sa pangalang Janice, nagising na lamang ito sa tahanan ng suspek, na umano’y walang saplot at masakit din ang maselang bahagi ng katawan nito.

Dakong alas-12 ng hating-gabi nang madakip ang suspek sa loob ng kanyang bahay, makaraang magsumbong sa kanyang ina ang katorse-anyos na biktima.

Kasong Rape in relation to RA 7610 ang kakaharapin ng suspek na kasalukuyang nakakulong sa San Miguel Municipal Jail.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.