Anak ng namatay na Taiwanese Fisherman, Nagsampa ng Kaso

NAGSAMPA NG kasong Murder ang anak na namatay na mangingisdang Taiwanese sa insidente sa Balintang Channel noong Mayo 9.

Hindi pa naman malinaw kung saang korte at kung paano ipapa-subpoena ang mga kinasuhan.

Una nang iginit ng pamilya ng nasawi na si Hung Shih-Cheng na sinadya ang nangyaring pamamaril ng Philippine Coast Guard (PCG) personnel sa kanilang kaanak at nanawagang mabigyang hustisya ang nangyari sa pagnanais na maparusahan ang may sala sa umano’y krimen.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-arangkada ng parallel probe ng Taiwan at Pilipinas sa kanya-kanyang barko at tauhang sangkot sa insidente.

Inaalam pa kung sa teritoryo ba talaga ng Pilipinas o hindi naganap ang pamamaril. Iniim-bestigahan na ang voyage data recorder ng Taiwanese vessel na Guang Ta Shin 28 na ikukumpara rin sa GPS recorder ng PCG.

Sinuri na rin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang barko gayundin naman ang ginawa ng Taiwanese probers sa barko ng PCG sa Maynila.

Samantala, kinukuwestyon na rin ng mga dayuhang imbestigador ang mga tauhan ng PCG kasunod na rin ng pagtatanong ng NBI sa mga sakay ng Taiwanese vessel.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.