Anak ng Mayor at Isang Dekano, Nabiktima ng Akyat-Bahay Gang

 

PINASOK NG “akyat-bahay gang” sa magkahiwalay na insidente sa bayan ng Jones at Echague sa Isabela ang bahay ng anak ng mayor at isang dekano.

Ayon sa Provincial Police Office, nanonood umano ng teleserye ang pamilya ni Clifford Raspado, 26-anyos, at anak ni Jones Mayor Florante Raspado, noong Sabado ng gabi. Pumasok u-mano ang anim na armadong lalaki at itinali ang pamilya.

Aabot sa milyong halaga ng ari-arian, alahas, bag, 2 lisensyadong baril at grocery items ang natangay ng mga suspek.

Sa bayan naman ng Echague, pinasok ng “akyat-bahay gang” ang bahay ni Joel Alcaraz, 43-anyos, dekano ng Engineering Deparment ng Isabela State University.

Aabot sa P800,000 na halaga ng ari-arian, pera at alahas ang natangay ng mga suspek.

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.