Anak ng mayor, 8 beses binoga sa KTV bar

HINDI NA natapos ng anak ng isang alkalde ang kanyang pag-inom ng beer sa loob ng KTV Bar nang pagbabarilin ito ng grupo ng kalalakihan kamakalawa ng gabi sa bayan ng Sara, Iloilo.

Kinilala ang biktimang si Neptaly Salcedo III na anak ni Mayor Neptali Salcedo.

Ayon kay Chief Insp. Willy Diel, hepe ng Sara Municipal Police Station, umiinom sa 11/69 KTV bar ang batang Salcedo nang pagbabarilin ng isang grupo kabilang ang isang alyas Andaya.

Sa pagsisiyasat, nagtamo ang biktima ng walong tama ng bala ng 12 gauge shotgun at dead on arrival sa Sara District Hospital.

Nadakip si Andaya habang nakatakas ang itinuturong triggerman na si Rocsien Bascugin at kapatid nito na si Richard Bascugin ng Brgy. Malapaya, Sara.     (E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.