Anak ng Kasambahay, Dinilaan ng Kapit-bahay

MEYCAUAYAN CITY – DAHIL sa matinding takot, hindi agad nakapagsumbong ang isang 13-anyos,na dalagita, na umano’y dinilaan bago ginahasa ng hayok sa laman na factory worker sa Brgy. Iba sa lungsod na ito.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Eric Noble kay P/SSupt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Roldan Gumano, 28 anyos, binata sa nabanggit na barangay; samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Nica.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Maryglu Anggangan, dakong alas-8 ng gabi ng Oktubre 17 nang pagsamantalahan ang dalagita sa loob ng kanilang bahay, kung saan nag-iisa lang umano ito nang maganap ang kahalayan sa biktima.

Ayon sa ina ng biktima na si Aling Victoriana, hindi tunay na pangalan, labis ang kanyang pag-aalala dahil sa bigla na lang naging malungkutin ng kanyang unica hija, taliwas sa dati nitong kilos na masayahin. Dahil dito, bigla na lang humagulgol ng iyak ang kanyang anak, at ikinuwento ang kahalayan ng kapit-bahay.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.