Anak ng dating gobernador, binoga ang sarili

DAVAO CITY – NATAGPUANG wala nang buhay ang anak ng dating gobernador ng Davao del Norte na si Pedro San Jose na bigla na lamang nawala nitong nakaraang linggo. Kinilala ang biktima na si Fredelyn San Jose, 16 taong gulang.

Narekober ang bangkay ng biktima sa isang abandonadong bahay sa Barangay Alijal, bayan ng Carmen, Davao del Norte.

Ayon sa report ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) nagtamo ang biktima ng dalawang tama ng baril sa ulo na pinaniniwalaang nagbaril sa sarili.

Natagpuan din ng mga pulis mula sa nabanggit na abandonadong bahay ang isang .45 caliber pistol at isang basyo na bala.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng Carmen PNP, nag-away umano si San Jose at ang live-in partner nito bago nawala ang biktima. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.