Anak ng ABC President, Dedbol sa Aksidente

PATAY ANG anak ni ABC president Salvador Castillo ng Brgy. Dilavo, Pasuquin, Ilocos Norte sa naganap na aksidente sa Sitio Nagabungan, Brgy. Davila.

Kinilala ang nasabing biktima na si Gener Castillo, 18-anyos ng natu-rang lugar.

Sinabi ni Barangay Chairman Elvie Agoo ng Brgy. Davila na Pasuquin, sakay ang biktima at isang kasama sa isang motorsiklo nang mangyari ang aksidente.

Duguan sa ulo ang naturang biktima nang isugod ang mga ito sa ospital.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.