Anak na Nursing student, Ginahasa ng Manyakis na Ama

NORZAGARAY, BULACAN – NAHAHARAP sa kasong panggagahasa ang isang padre de pamilya, dahil sa ginawa umano nitong panghahalay sa kanyang sariling anak sa Brgy. Tigbe ng bayang ito.

Sa report  ni P/Supt. Bruno Viola kay PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang  nadakip na suspek na si Rossano Samson, 43 anyos, residente ng Sitio Gulod sa nabangit na barangay, ama ng biktimang itinago sa pangalang ‘Jovy’,  17 anyos, isang nursing student.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad dumulog sa Norzagaray police ang biktima kasama ang kanyang tiyahin na si Benilde Gulapa para ireklamo ng panggagahasa ang suspek.

Sa salaysay ng biktma, Grade 6 siya nang unang halayin ng kanyang ama at muli siyang ginalaw nito nu’ng Lunes bandang alas-3 ng madaling-araw habang ang kanyang ina ay nasa bakasyon sa Cebu.

Agad na inaresto ang suspek at kasalukuyang nakadetine sa Norzagaray Municipal Jail.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.