Anak na nag-amok, inatado ng ama

DAHIL HINDI mapigil ang pagwawala at marami nang nasirang kagamitan sa kanilang bahay, walang nagawa ang isang 60-anyos na ama kundi tagain ang sariling anak na lango sa alak sa bayan ng San Juan, Ilocos Sur.

Sa blotter ng San Juan Municipal Police Station, kinilala ang nasawing si Jeffrey Jimenez, 33-anyos, walang trabaho at may-asawa.

Sa salaysay ng suspek na si Onofre Jimenez, magsasaka at residente ng Poblacion, San Juan, Ilocos Sur, pasado alas-6 ng gabi nang dumating ang biktima na lasing at nagwawala.

Sinabi rin ng misis ni Jeffrey na kapapasok lamang sa kanilang bahay ng biktima nang pagsasampalin at tadyakan siya nito.

Nang awatin ng ibang tao sa bahay ang biktima ay pinagsisira nito ang ka-gamitan sa bahay gaya ng upuan at lamesa.

Dito dumating si Mang Onofre at tinangkang awatin sa pagwawala ang biktima subalit inundayan siya nito ng suntok kaya naman inunahan na ng matanda ang anak saka tinaga.

Makaraan ang pagkasawi ng biktima ay tiniyak ng asawa nito na hindi magsasampa ng kaso laban sa kanyang biyenan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.