ANAK KULONG SA TANGKANG PAGPATAY SA INA

REHAS NA BAKAL ang kinasadlakan ng isang 19-anyos na binata matapos itong arestuhin ng mga awtoridad nang bugbugin at tinangka pang saksakin ng gunting ang sarili nitong ina sa Caloocan City kamakalawa ng tanghali.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Caloocan Police na nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na nakilalang si EL Merande, 19, ng Blk 14, lot 23, Phase 3C, Dagat-dagatan ng nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon sa pulisya, nabatid na dakong alas-12:00 ng tanghali nang magtalo ang mag-ina sa loob ng kanilang tahanan dahil ayaw bigyan ng hinihinging pera ang suspek ng ina nito.

Nabatid na nagtalo ang suspek at ang ina nito na si Elizabeth makaraang hindi binigyan ng ina ng hinihinging pera ang anak dahil sa ipambIbisyo lamang umano nito ang pera.

Dahil dito, nairita ang suspek at sinaktan umano ang kanyang ina kung saan hindi pa nakuntento ang anak ay kumuha pa ng gunting at tinangka pang saksakin ang biktima.

Agad namang sumaklolo ang asawa ng biktima na tatay naman ng suspek at mabilis na tumawag ng barangay tanod saka ipinaaresto ang naghuhuramentadong anak.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.