Anak, Kinatay ng Ama

PINAGHAHANAP NA ng mga awtoridad ang ama na pumatay sa sarili nitong anak sa bayan ng Salay, Misamis Oriental.

Kinilala ang nasawi na si Bonifacio Agcopra, 54, residente sa naturang bayan.

Kinilala rin ang salarin na si Alberto Agcopra na agad tumakas matapos ang insidente.

Pinangaralan lamang sana ng suspek ang biktima nang magwala dahil sa sobrang kalasingan.

Subalit nanlaban umano ang biktima sa salarin dahilan para tagain ito ng sari-ling ama.

Nagtamo ng dalawang sugat ang biktima sa kanyang ulo at braso na agad nagresulta sa pagkamatay nito habang ginagamot sa Northern Mindanao Medical Center.

Samantala, matapos ang pananaga agad tumakas ang suspek sa hindi matukoy na lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.