Anak, Hinostage ang Sariling Pamilya; Kapatid, Sugatan; Ina, Kritikal

LIMANG KATAO ang nasugatan sa nangyaring hostage drama matapos na magwala ang isang lalaki kung saan biglang sinaksak nito ang kanyang ina, kapatid at dalawang pamangkin sa Sarangani province.

Kinilala ang nasabing suspek na si Joseph Pajarillo alias Otik na taga Purok 2, Poblacion Malapatan, Sarangani.

Sinabi ni PO2 Harold Alinsugay ng Malapatan PNP na tumagal ng tatlong oras ang negosasyon pero hindi nakinig ang suspek kaya napilitan ang mga pulis na barilin na si Otik na tinamaan sa paa.

Nanguna si S/Insp Razid Lingcob sa operasyon para mailigtas ang mga biktima matapos na pinagsasaksak.

Napag-alaman na ang ina ng salarin na si Natividad ay nasa kritikal ang kundisyon, habang sugatan din ang kanyang kapatid na si Selina na isang guro.

Ang limang mga biktima ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan sa lungsod.

Samantala, ang suspek ay napag-alaman na may diperensya umano sa pag-iisip.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.