Anak, Hinalay; Ama, Kulong Habambuhay

HINATULAN NG habambuhay na pagkakakulong ang isang ama na akusado sa panghahalay ng 15-taong gulang nitong anak sa Brgy. Kauswagan sa bayan ng Lagonglong, Misamis Oriental.

Ito’y matapos nakitaan ng kaukulang basehan ng korte na pinagsamantalahan ng akusadong si Anecito Aragon ang sariling anak nito noong 2011 sa naturang bayan.

Sinabi ni Regional Trial Court (RTC) Branch 22 presiding Judge Richard Mordeno na maliban sa ipinataw nito na reclusion perpetua laban kay Aragon, inutusan din nitong bayaran ang biktima sa halagang P75,000 na civil indemnity; P75,000 na moral damages at P30,000 na exemplary damages.

Samantala, nakatak-da namang dalhin si Aragon sa Davao Penal Colony (DAPECOL) mula sa Misamis Oriental Provincial Jail (MOPJ).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.