Anak, Ayaw Ibigay ng Ama sa Ina

Dear Atty. Acosta,

 

GUSTO KO pong tanungin ang tungkol sa kustodiya ng aking anak. Sa ngayon, siya ay nasa pangangalaga ng kanyang ama dahil hindi ko pa siya kayang buhayin. Dalawang buwan pa lamang ang anak ko. Gusto ko na siyang kunin subalit ayaw na siyang ibigay sa akin ng kanyang ama at ayaw rin akong padalawin sa kanya. Ang anak ko ay nakarehistro sa pangalan ko at sa pangalan ng kanyang ama kahit hindi po kami kasal ng kanyang ama. Bilang ina ng aking anak, ano ang mga legal na paraan para makuha ko ang aking anak?

 

Anita D.

 

Dear Anita,

 

BAGO ANG lahat, mahalagang malaman mo na dahil ang iyong anak ay ipinagbuntis at ipinanganak mo nang hindi kayo ikinakasal ng kanyang ama, siya ay isang hindi lehitimong anak. Kaugnay nito, ang iyong anak ay nararapat na nasa ilalim ng iyong pangangalaga alinsunod sa Article 176 ng ating Family Code na nagsasaad na:

“Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. x x x”

Ayon pa sa Korte Suprema, ang hindi lehitimong anak ay dapat nasa solong pangangalaga ng ina at dapat na ang bata ay nasa kustodiya niya. (Joey B. Briones vs. Maricel P. Miguel, G.R. 156343, October 18, 2004) Ito ang alituntunin kahit pa kilalanin ng ama na anak niya ang nasabing bata. (Mossesgeld v. Court of Appeals, 300 SCRA 464) Sapagkat ang pagkilala ng ama sa bata bilang kanyang anak ay isang dahilan lamang upang bigyan niya ang bata ng suportang pinansiyal at hindi para magkaroon ng karapatan ng kustodiya sa bata. (David v. Court of Appeals, 250 SCRA 82) Dagdag pa rito, ayon din sa ating Family Code, ang bata na ang edad ay 7 taon pababa ay dapat na nasa pangangalaga ng kanyang ina.

Kaya naman, ikaw ang may mas higit na may karapatan sa iyong anak kahit kinilala siya ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagpapagamit nito ng kanyang pangalan sa inyong anak. Kaugnay nito, maaari mong kunin ang iyong anak sa kanyang ama. Bago ka gumawa ng legal na aksyon, ikaw ay aming pinapayuhan na masinsinang makipag-usap muna sa ama ng iyong anak upang maiwasan ang pagsampa ng kaso sa hukuman. Kung hindi siya makikinig sa iyong pakiusap na ibigay sa iyo ang iyong anak, maaari kang magsampa ng kasong Petition for Habeas Corpus laban sa ama ng iyong anak. Sa pagsasampa mo ng nasabing kaso, kinakailangan mo ang serbisyo ng isang abogado. Kung wala kang kakayahang kumuha ng pribadong abogado, maaari kang magsadya sa aming District o Regional Office na malapit sa lugar kung saan naroroon ang iyong anak upang matulungan ka ng aming tanggapan (Public Attorney’s Office). Kalimitang matatagpuan ang aming District o Regional Offices sa Hall of Justice ng City o Municipal Hall ng bawat bayan. Pakidala na lamang ang mga mahahalagang dokumento tulad ng birth certificate ng bata.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Related Post

loading...

8 thoughts on “Anak, Ayaw Ibigay ng Ama sa Ina

  1. Hi hingi lang po ng payo..may gf po ako na 2 na po ang anak..ang problema po ay ayaw pumayag ng lalaki makipaghiwalay don sa gf kahit ayaw na sa kanya nun..tinatakot pa ako na ako daw ang sumuporta sa lahat ng needs ng mga anak nya pag tinuloy namin ang pagpapakasal nung nanay..ayaw kase nya umalis dun sa bahay ng gf ko..galit na galit saken..ano ba dapat gawin don sa lalake na yun para matuloy na kasal namin nung ina..slamaat po

  2. magandang hapon po madam hihinge po sana ako ng payo..anung kaso po ba ang pwedi kong isampa sa asawa ko pero depo kami kasal 3years kaming nag sama..pero iniwan nya po kami ng anak ko.dahil papag aralin daw siya ng magulang nya.pero lahat po ng gastos saken ng gagaling.at ang masakit po nalaman ko na hindi po.sya nag aaral ng mayos puro barkada at pag inum ang ginagawa nya.nang malaman ko.nagalit sya saken at ayaw nyang 0muwe sa samin pero hindi po ako nagalit dahil may anak kami gusto lang bumalik sya samin dahil 2years old palang ang anak ko walang gabi na hindi omiyak ang anak ko.pero sya ayaw nya na talaga samin hindi po ako maka pag trabaho ng maayos dahil minsan cla mama ang nag aalaga sa anak ko pag popontahan sila kaylangan kong hindi pomasok sa trabaho.para may mag bantay sakanya ng edad ng asawa 19.years old sya ngayon nag sama kami sa edad nyang 16.at ang masakit po lagi nyang sinasabi na gosto na nyang umowe kaya pinapadalahan ko sya ng pera para umowe.pero po pag na kuha na nya ang padala ko hindi na po sya nag ttxt o tumawag.halos lampas kalahati ng sinasahoh sa costruction sakanya mas malaki ang binibigay ko sa kanya kaysa na poponta samin ng anak ko.grabing pang loloko ang ginawa nya sakin hindi nya inisip ung anak namin na dapat sya ang nag aaroga hindi ako.anu po ang gagawin ko?

  3. Magandang araw po isasanguni ko lang sana ang problema ng aking kapatid sya ay may apat na taon gulang anak at hiwalay sila ng kanyang kinakasama dati na ina ng bata ang dahilan ng hiwalay nila ay sumama ang babae sa ibang lalaki guato kunin ng ina ang ang bata ngunit ayaw naman ng aking kapatid dahil hindi nya kayang suportahan o ibigay ang pangangailangan ng bata may laban po kaya ang kapatid kong lalaki dito kung sakali ayaw nya ibigay dahil una babae ang nagloko ??? Salamat po

  4. Dear atty

    Gusto q Po sanang Kunin ung anak q kaso ayaw pong ibigay Ng tatay nya po.at ung anak q Po NASA poder Po Ng mga Lolo nya sa father side Po .kasal Po kmi Ng tatay Ng anak q.pero dahil sa pananakit nya sa akin Po nakipag hiwalay Po aq umalis Po aq nag aboard Po aq para masuportahan Ang anak q po.may kinakasama na pong iba Ang tatay Po nya atty ….bwan bwan Po n cnusuportahan q Ang anak q po.pls sna Po matulungan Po ninyo aq

    Lubos n gumagalang
    Jennifer Gamiz

  5. Dear attny.

    gusto ko lang po sana mang hingi ng payo sainyo.
    may kalive. in partner ako before nagkaanak kmi isang boy 3yrs old na sya. ang papa nya kasal sa iba. hindi na maganda ang pasasama namin kaya naghiwalay kasi maayos na usapan ang paghhiwalay namin hanggat napag kasunduaan namin ung tungkol sa bata. hiraman kmi pero d sya sumunod sa usapan nilayo nya ang anak ko siniraan ako sa mga tao pati sa trabaho, ko . . ano ang pwede kong gawin

  6. Tanong q lang po. Kc na first offense ung ina ng bata. Tpos ayaw na ibigay nung ama ang bata sa ina. Nde po kasal . Makukuha pa po ba ng ina ung bata?

  7. Dear Attorney Acosta,
    Naaawa po kasi ako SA kptd ko umalis po cya ngtrabaho SA ibng bnsa PRA nrn SA ank nya,hwalay po cla ng aswa nya,NSA tatay ang panganay n anak 8 yrs old lalaki at NSA knya ang bunso babae 6 yrs old,maayos nmn po at wlang problems ang set ng nndto cya,nahhram ng best ISA ang mga bta,ung babae dhil may trabaho cya ako npo tlga ang ng alaga dn ng una pa,maayos ang lht ng usap cla n bgo umalis n knla ang lalaki amn ang babae,isang buwan plng po nkklipas ng iba n lht..gigipit n ng lalaki ang kpatd ko,kesyo kukunin n DW bta skn at ung Bhai n titirahan ng kptd ko n conjugal property nla ang ilalock DW nya PRA d n kmi mkpasok.ayoko nma po ibigay SA knya ang bta KC kwawa nmn kptd ko KC ayw nya tlga,umalis nga cya PRA SA mga bta tpos bgla kukunin SA knya,ano p b pwede nmn gwin at ano po krapatan ng kapatid ko at ako nrn bilang napag iwanan ng kptd ko.nbgt dn po skn n ibigay ung bta,KC PRA ko nrng anak to.although stable nmn UNg tatay,kawawa ang kptd ko n prng wla cyang magawa KC malayo cya,tpos nkablock p cya SA dtng asawa SA fb kya wala talaga clang communication, d MN LNG nya masabi side nya SA DTI nyng asawa…

  8. Dear Atty. Acosta,
    Una sa lahat ay nagpapasalamat ako dahil may ganitong website na puedeng magtanong ukol sa mga batas sa pilipinas. Ako po ay isang OFW pero ang tanong ko ay may kinalaman sa lupa. Umuwi po ako sa pinas noong enero ng nakaraang taon pra tulungan ang nanay ko sa problema niya sa lupa na siyang nagbayad at nakapangalan sa kanya ang titulo pero ang nakatira ay mga kapatid niya mga auntie at uncle ko. Ang lupa na yon ay ibinenta sa lolo ko ng mayor ng lugar namin pero kumo mahirap lang lolo ko nabayaran lang niya ay parang pag-reserba lang or down payment kung baga na 15% ng kabuuang halaga noon lupa. Nang hindi mabayaran ng lolo ng buo yon lupa binabawi ito sa kanya ng mayor ng lugar namin pero noong mga panahon na yon ay nsa abroad ang nanay ko at siya ang may pera at nakipag-usap siya sa mayor ng lugar namin na wag na lang bawiin ang lupa sa amin at siya (ang nanay ko) na lang magbabayad ng natitirang 85% noong halaga ng lupa. Nabayaran ng nanay ko at nakuha na titulo at pinalagay ng nanay ko ang pangalan niya (hindi ng lolo ko) sa titulo ng lupa. Pero from day 1 ay hindi na kami nakatira doon sa lupa dahil grade 3 pa lang ako ay dinala na kami ng nanay sa maynila. Ang mga kapatid niya at ang lolo ko noong nabubuhay pa siya (namatay noong 2013 lang) ang nakatira at may mga bahay na nakatirik doon sa lupa 701 sq. meters. Ngayon wla ang lolo nag-aaway away ang mga magkakapatid at lumayas na nga ang iba dahil yon isang ante na ko may asawang security guard na may baril na armalite sa bahay ang parang naghahari-harian doon sa lupa naman kaya para walang gulo umalis na lang yon ibang kapatid ng nanay ko. Nagsumbong sila sa nanay ko at sabi ng nanay ko kung hindi aalis din yon ante ko naghaharian doon sa lupa kasama ng asawa niya na may armalite ay kailangan bayaran nila sa nanay ko yon lugar na natirikan ng bahay nila. So noong umuwi ako pinasukat ko yon lupa 100 sq mts at ako pa nagbayad sa surveyor at nangako yon ante ko na babayaran nila yon lupa after 6 months. Ngayon february yon deadline ng pagbayad nila sa lupa sa nanay ko pero nanghihingi na naman sila ng another 6 months para makabayad. Ayaw nila sumagot sa telelphone sa pagsisingil sa kanila. Ano po ba ang hakbang na puedeng gawin ng nanay ko kasi ayaw makipag usap nong ante ko at asawa niya? Puede ba gumawa kami ng kasunduan na parang promissory note, paano pag hindi pa rin sila tumupad na magbayad??

    Salamat po ng marami kung masago ninyo ang mga katanungan ko at pasensiya lang po sa haba ng sulat ko.

    Pablo

Leave a Reply

Your email address will not be published.