Anak, 30 beses pinapak ng ama

KASALUKUYANG BUNTIS na ang isang 14-anyos na dalagita matapos 30 beses na pinagsamantalahan ng sariling ama sa Panabo City sa Davao.

Base sa sumbong ng biktima, pitong taon lamang ito nang simulang halayin ng sariling ama at nang may tumulong, naglakas-loob na itong magsumbong sa mga pulis dahil hindi na umano nito makayanan ang kababu-yang ginawa ng sariling ama.

Dinampot ng mga awtoridad ang sinasabing 36-anyos na ama base sa Warrant of Arrest mula sa Regional Trial Court Branch 34 na nilagdaan ni Judge Daz Gonzaga Cenos.

Samantala, nasa kustodiya na ng City Social Services and Development Office (CSSDO) ang biktima habang inihahain na ang kasong Rape laban sa suspek. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Anak, 30 beses pinapak ng ama

Leave a Reply

Your email address will not be published.