Anabelle Rama to John Lloyd Cruz: “Magpakalalaki ka!”!

MALAPIT NA ANG birthday ni Ruffa Gutierrez pero walang balak si Tita Anabelle Rama na batiin ito dahil gusto niya itong matuto pagdating sa pag-ibig.

Sabi nga ni Tita Anabelle, hindi siya titigil sa pakikialam kay Ruffa dahil ayaw na raw niyang madapa na naman ito ‘pag nagkamali siya sa lalaking mamahalin niya. Siyempre, ang tinutukoy niya ay si John Lloyd Cruz na hanggang ngayon, wala pa ring kumpirmasyon sa kanila ni Ruffa kung sila na ba talaga.

Nilinaw naman ni Tita Anabelle na hindi siya tutol kung sakaling makarelasyon ni John Lloyd si Ruffa. Ang gusto lang naman daw niya, magpakalalaki ito na harapin at aminin sa publiko na nanliligaw siya kay Ruffa.

Hindi naman daw kahiya-hiya ang anak niya para i-deny. Kaya kung talagang tunay na lalaki raw ito, humarap siya at aminin sa publiko kung ano talaga ang balak niya kay Ruffa.

Medyo nagpipigil pa nga ngayon si Bisaya dahil sa dalawang apo niyang pumipigil sa kanya. Kaya hindi na raw siya nakapagsalita sa Startalk at Showbiz Central dahil sa pinipigilan ito ng mga apo niya. Kapag nagsalita na raw ang apo niya, tiklop na ito.

Nagpapasalamat naman siya kay Ruffa dahil ipinapahiram naman daw sa kanya ang mga apo niya. Tuwing hapon nasa kanya raw ito at siyempre, laging pinagsa-shopping ni Bisaya.

NASA SAN FRANCISCO, California ngayon si Heart Evangelista dahil dumalo ito sa Philippine Independence Day celebration doon.

Pagbalik dito ni Heart, may limang araw muna siyang bakasyon dahil may bagong ruling ngayon sa GMA 7 na kapag galing ka sa ibang bansa, maka-quarantine ka muna ng ilang araw bago ka bumalik sa trabaho.

Kaya habang nasa self-quarantine ito, magbababad daw siya sa spa, kung saan endorser siya ng Nisce Skin ‘N Face Spa and Derma Clinic. Isa lamang ito sa mga bagong endorsement ni Heart kaya tuwang-tuwa naman ito dahil lalong gumaganda ang career niya.

Nangako si Heart na magku-concentrate daw siya sa kanyang career at sa sarili dahil wala itong balak na magkaroon ng panibagong relasyon. Kaya ‘yung isyung nagkabalikan daw sila ni Jericho Rosales, malabo raw ‘yun dahil wala namang ganu’n.

Ang magandang balita lang, okay na raw sila ni Echo at nasa iisang church lang daw sila. Nagkaroon daw sila ng seryosong pag-uusap at naging magkaibigan naman daw sila. Pero ang posibilidad na magkabalikan, parang hindi pa raw ‘yun mangyayari.

Ang dami raw niyang natutunan sa nakaraang relasyon, kaya ayaw na raw muna niyang ma-in love. Hindi na rin nga sila nakikipag-date at pawang mga kaibigan lang daw niya ang kasama kapag lumalabas ito.

Hindi pa raw niya masasabi kung kailan siya mai-in love muli, at panahon lang daw ang makapagsabi. Pero kung siya ang masusunod, gusto raw niyang manatiling single muna sa ngayon.

Kaya malabo rin daw na magkadebelopan sila ni JC de Vera na ka-partner niya sa Ngayon at Kailanman, pero okay lang naman daw na magkaibigan sila. Siyempre, hindi naman sila puwede ni Heart, dahil si Rhian Ramos pa rin daw ang girlfriend ni JC.

Gorgy’s Park

Related Post

loading...

5 thoughts on “Anabelle Rama to John Lloyd Cruz: “Magpakalalaki ka!”!

  1. madam anabelle, pra galangin po kyo ng ibang tao, eh! respeto muna sa sarili nyo ang unahin nyo. sa aking opinyon mukha naman respetadong tao si john lloyd. kung tutuusin, di ko pa na rinigan ng masamang salita sa ibang tao si john. pero kayo kahit anak ninyo eh may kabastusasn talaga ang mga salita nyo. buti nga may nagkakagusto pa sa anak nyo eh!

  2. walang pinag aralan ..khit balutin mpa katawan m ng ginto muka kpa din social climber…si pacman n lng ipakabit msa anak mu pra buhay mayaman kna ulit…

  3. ITONG SI aNNABEELE ANG BABAENG MAY MABAHONG BUNGANGA SA BALAT NG MUNDO. Nakaksuka ang babaeng ito na akala mo ang mga anak niya ay walang kabaho baho. Pati namn siya ay mabaho rin ang pagkatao. Hahalikka rin ulit sa lupa Bisaya

Leave a Reply

Your email address will not be published.