Anabelle Rama, stopping JC de Vera from being successful like her son?

GAME NANG MAGING lolo si OMB Chairman Edu Manzano.

At 54, handa na raw siya pero mukhang hindi pa nga ito agad maibibigay sa kanya ng super in love niyang anak na si Luis Manzano.

Bukod kasi sa enjoy ito sa kanyang showbiz career, tila hinihintay talaga nito si Angel Locsin.

“Nabalitaan ko na iyan,” ang komento nito sa tsikang minsan NAng tinangka ng anak na mag-propose sa aktres. Pero binigyan lang daw ito ng challenge ng dalaga by saying na i-build muna nito ang dream house ni Luis (hindi ‘yung ibinigay lang ni Gov. Vilma Santos), at kapwa pa nila i-enjoy ang mga karir.

“Nakakatuwa nga ang ganyang samahan. At least hindi talaga sila padalus-dalos sa mga desisyon nila. At tama naman si Angel, take your time,” hirit pa ni Edu.

‘Yun nga lang, dahil sa matindi ang clamor na ilaban sa pagka-Senador si Edu sa 2010, baka maunahan pa nito sina Angel at Luis. Hmmm, not a bad idea at all dahil kung saka-sakaling palarin si Chairman, bonggang lolong Senador agad ang itatawag ng magiging anak nina Luis at Angel. Feeling din naman namin, ang dalawa nga ang magiging magkapalaran. Hay, ang sweet namang mangarap para sa kanila, hahahahaha!!!

MARAMI ANG NAKABABALITANG malungkot at laging nakatulala ngayon si JC de Vera. Hinahanap-hanap daw talaga ng katawan nito ang trabaho. At dahil nga sa tensiyon at gusot ng kanyang manager sa isang mataas na ehekutibo ng GMA 7, tila siya itong isa sa mga naaapektuhan.
Maganda na sana ang itinatakbo ng karir ni JC. Papunta na siya sa pagiging matinee idol at top leading man ng tv and movies. Pero may iba ngang nangyari.

May mga nang-iintriga tuloy na hindi kaya diumano ay ploy lang daw ito ng kanyang manager para hindi nito matamasa ang klase ng kasikatan gaya ng tinatamasa ng anak nitong si Richard Gutierrez?

Nakakaloka, pero may mga ganitong intriga nga ang industry observers kay Tita Annabelle Rama?

Ay, parang hindi na naman magandang isyu iyan?!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

One thought on “Anabelle Rama, stopping JC de Vera from being successful like her son?

Leave a Reply

Your email address will not be published.