Amyenda sa ‘Sotto Law’, Inihain na sa Kamara

POSIBLE NANG maisama ang mga mamamahayag mula sa broadcast industry, wire agencies at Internet publications sa mga media practitioner na sakop ng batas na nagpapahintulot na maprotektahan ang mga source sa news reports.

Ito ay kung tuluyang maisasabatas ang House Bill 362 na inihain ni Cebu City Representative Raul del Mar na nag-aamyenda sa Republic Act 63 Sotto Law o Press Freedom Law.

Lumalabas sa ilalim ng nasabing batas na sakop lamang ang mga publisher, editor, columnist at duly accredited reporter ng pahayagan, magazine o peryodiko na may general circulation.

Ayon kay Del Mar, limitado ang medium ng pagba-balita noon nang maisabatas ang Sotto Law.

Samantala, nakasaad sa naturang panukala na ang mga accredited journalists sa print, broadcast at Internet service station o network ay hindi maaa-ring pilitin na isiwalat ang kanilang sources sa isang balita maliban kung may kaugnayan sa seguridad ng bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.