Amy Perez, ginagawang katatawanan ang mga away ng ordinaryong tao!

NAGULAT ANG PRESS sa rebelasyon ni Amy Perez kamakailan na isa raw pala sa dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Brix Ferraris ay ang pagkakaroon daw nito ng epilepsy. Dumating umano sa puntong hindi na kinakaya ng powers nito kapag sinusumpong na ang dating asawa.

Kaya pala seryoso ang ibang kasama naming movie scribe habang nag-i-interbyu kay Amy sa dressing room ng TV5 nang mag-guest ito kamakailan sa Paparazzi, may gano’n palang level sa kanilang usapan. Kami kasi, kay Ruffa Gutierrez tsumitsika nang mga sandaling ‘yon.

Ang inabutan na lang naming paksa ng panayam nang lapitan namin si Amy, tungkol na sa napapabalitang gagayahin na ng ibang istasyon ang show niyang Face To Face. May title na nga raw, Fist To Fist.

Hindi naman daw naaalarma ang TV host. Kampante umano siya kahit magsigayahan pa sa tema ng show niya ang ibang TV networks. At least daw, sila ang kinopkopa. Hindi sila ang nanggagaya.

Itinatanggi ni Amy ang akusasyong ibinabato sa programa nila ngayon na sinasadya nilang pag-awayin pa ang mga may problemang nai-guest sa show nila. Ang layunin daw ng kanilang show ay mapagharap ang sinumang may hindi pagkakaunawaan at makapagbigay ng payo, mapagbati at masolusyunan kung anuman ang problema ng mga ito.

Pero hindi rin naman masisisi ang ibang nagri-react sa show at nagsasabing parang mga manok na pinagsasabong ang mga pinaghaharap dito. Bakit nga naman kasi ang live audience na kung tawagin nila ay mga sawsawero’t sawsawera ay parang mga sabungero’t sabungera na naghihiyawan kung kanino pupusta? Na tuwang-tuwang nagsisipagsigawan at nagtatawanan kapag nagkakainitan na sa talakan at nasa aktong magsasapakan ang mga guest ng programa.

Idagdag pa ang bading na co-host ni Amy na sa ngiti pa lang nito ay parang nang-uurat na. Tapos buong-ningning at tila mangisay-ngisay pa sa tuwa kapag tinatanong ang live audience ng: Kanino na kayo… sa pula o sa puti?

Hindi naman masamang pag-usapan nang harapan o face to face ang problema o sigalot na namamagitan sa dalawang kampong may hindi pagkakaunawaan. Pero para gawin itong kaaliwan para sa manonood, hindi na maganda.

Anyway, in fairness to Face To Face, kahit may dating na ginagawa nitong form of entertainment ang away o problema ng mga nagiging guest nito dahil nga nakikitang tuwang-tuwa ang audience at ‘yong bading na co-host kapag nagkakainitan na, may bawi naman kung ang pag-uusapan ay sinasabi ng trio tagapayo ng show na siyang nagbibigay ng legal, spiritual, at psychological advice.

AMINADO SI AKIHIRO Sato, medyo ninerbiyos daw siya sa umpisang pinapanood niya ang ginawang pelikulang D’ Survivors with fellow Brazilian models-turned-actors na sina Daniel Matsunaga, and Fabio Ide, sa premiere night nito kamakailan. Pangalawang pelikula pa lang niya ito. Ang una ay ‘yong indie film na ginawa niya with Chin Chin Gutierrez.

Aniya, sa isang baguhan pa lang na artistang gaya niya, normal na kabahan siya at maging aware sa kalalabasan ng performance niya sa pelikula at sa magiging feedback ng mga manonood hinggil dito.

“Of course. Because we expect to be good. We expect people to like it. And I’m happy naman to have positive feedbacks from people who have seen the movie.”

Kahit sumisikat na ang ibang pang Brazilian na sina Daniel at Fabio, hindi raw nakararamdam ng insecurity si Akihiro.  Magkakaibigan daw naman sila. At kuntento rin siya sa takbo ng kanyang career ngayon.

“I have a show coming up sa GMA 7. Pero I’m not allowed yet to talk about the details. Secret muna,” nakangiting sabi ni Akihiro.

KINUMPIRMA NI ALJUR Abrenica na totoo ang balitang paghihiwalayin na sila ni Kris Bernal bilang magka-loveteam.  Nagdesisyon ang GMA-7 na kay Rhian Ramos naman siya itambal at si Kris naman ay sa baguhang Brazilian model-turned-actor na si Daniel Matsunaga na naging ka-love triangle nila sa The Last Prince.

“After malaman kong magkakahiwalay na kami, na-shocked ako pati si Kris,” aniya. “Tapos no’ng nag-usap kami, medyo naging emotional kami pareho. Kasi nakakalungkot din nga. Almost three years kaming magka-loveteam tapos mawawalang bigla. Pero laging nandiyan pa rin naman kami para sa isa’t isa. We will still support each other. Hindi lang kasi kami magkaibigan ni Kris kundi parang magkapatid na.”

Kahit paghihiwalayin na sina Aljur at Kris bilang screen sweethearts, hindi pa rin masasabing wagi na at dapat nang magsaya ang rumored girlfriend ni Aljur na si Rich Asuncion. Malamang na si Rhian Ramos naman daw ang maging sunod na tinik sa dibdib nito dahil may image daw kasi ang young actress na madaling magkagusto sa nakakapareha.

May gano’n talaga?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Amy Perez, ginagawang katatawanan ang mga away ng ordinaryong tao!

  1. yeah FACE TO FACE was the cheapest program n ipinlabas s phil. tv, wlang sense… s mga bta nga d dpat ipanood un. kc alang moral lesson na ipinapkita… maybe ung amy-nan portion itinu2wid ung mli but the rest of the program super basura… MTRCB dano ang gnagwa nyo? bkit ung mga ganung plabas d nyo iphin2 wala syang sense… inm not against amy perez or tv5 ha concerned lng sa mga bata n maaaring mkapanood ng awayan n ganun…

Leave a Reply

Your email address will not be published.