Amy Perez, ayaw nang umarte?!

SA TAPING ng Ang Latest ng TV5 sa Novaliches, nakita namin si Amy Perez na mukha namang masaya at kuntento, taliwas sa naglalabasang balita na may pinagdaraanang problema.

Kahit regular na siyang napapanood sa showbiz talk show na Ang Latest kasama sina Cristy Fermin, Shalala, Divine Lee, Direk Jose Javier Reyes at Mr Fu at host ng public service program na Face to Face ay malabo pa rin daw si Amy na makumbinsing  na balikan ang pag-arte.

Sabi ni Amy, hindi raw niya nami-miss ang pag-arte. Ang paglabas daw niya sa Enteng Kabisote ay para sa kaibigan niyang si Bossing Vic Sotto.

Pero ang maging regular daw siya sa isang teleserye o gumawa ng pelikula ay wala raw sa priority list niya. Mas gusto at malapit daw sa puso niya ang radio. Ito raw ang gusto at nami-miss niyang balikan.

Sa radio raw kasi nailalabas niya ang lahat ng kanyang mga opinion, may kalayaan siyang magbigay ng payo sa mga nangangailangan ng tulong.

Kahit na marami na siyang nagawang TV shows at pelikula, mas ramdam daw niya na hindi siya para sa acting, kundi para sa hosting.

Kung sakali naman daw na hindi na siya makabalik sa radio ay walang kaso. Mas magkakaroon daw siya ng panahon sa pamilya lalo sa kanyang tatlong anak.

Pagdating naman sa usapang kasal, dedma na si Amy dahil ipinaubaya na raw niya sa Diyos ang tungkol dito. Tutal, masaya at maayos naman daw ang pagsasama nila ng live in partner na si Carlo Castillo na ama ng dalawa niyang anak.

 

HINDI LANG ganda at talino ang namana ng Star Magic new talent na si Julia Barretto sa mga tita nitong sina Gretchen at Claudine, nakuha rin ng bagets star ang tatag at tapang ng isang Barretto nang hingan ng reaction sa naglabasang photo scandal ng kanyang inang si Marjorie.

Kalmado at malumanay nitong sinagot ang tanong ng press na kung apektado ba siya sa naglabasang photos ng kanyang ina?

Malaki raw ang tiwala niya sa ina at suportado niya ito kahit ano’ng mangyari. Matatag naman daw ang mommy nila sa kinakaharap na isyu at sa bandang huli ay lalabas din daw ang totoo.

Sabi pa ni Julia, kahit anong isyung kasangkutan ng kanilang ina ay nakasuporta sila. Katunayan, nitong Mother’s Day ay may inihanda raw silang sorpresa sa inang si Marjorie.

Mula sa kanilang pinag-ipunan perang magkakapatid, bumili sila ng ireregalo sa ina. Ayaw magbigay ng detalye pa si Julia kung anong klase ang kanilang binili at hindi na maging na maging surprise ang gift na kanilang inihandog.

Kalmado rin si Julia sa mga pinagdaraanang problema ng Barretto family. Naging masunurin naman ang mga press na huwag nang itanong or hingan ng reaction ang baget stars sa gulong kinasangkutan ng kanyang Tita Gretchen at lola na si Inday.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Amy Perez, ayaw nang umarte?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.