Oh Amy!

Simple pero rock! ‘Yan si Cristy ng Jaguar o si Bubble ng Celestina Sanchez A.K.A. Bubble; o kaya naman si Monica Real ng Brutal. O simpleng Esmeralda Dizon Tuazon sa kanyang pamilya o kaya’y Amy Austria sa showbiz.

Ang taga-Tondong si Amy Austria ay ipinanganak noong Disyembre 13, 1961. Mahirap ang buhay kaya pinasok niya ang pag-aartista at una siyang napasabak sa aktingan sa pelikula ni Daboy na Bitayin si Baby Ama (1976). Nasundan ito ng maliliit na roles hanggang siya na ang star sa Nang Bumuka ang Sampaguita.

Aktibo at magagaling ang mga artista at direktor nung kasagsagan ng karir ni Amy. Dahil mahusay at hindi rin naman pahuhuli sa aktingan, pasok si Amy Austria sa pelikulang Jaguar ni Lino Brocka at Aliw ni Ishmael Bernal.

Naging asawa ni Amy ang namayapang aktor na si Jay Ilagan at may isa silang adopted daughter. Natagalan bago niya muling binuksan ang puso kay Duke Ventura na isang Filipino-Korean. Ikinasal sila noong January 10, 1999 at may isang anak.

Taong 2007 pa nang huling masulyapan ang fez ni Miss Amy sa TV. Kinakarir kasi nito ang pagiging asawa at ina sa mga anak niya. Kaya para sa mga taong naghahanap sa beauty niya, hayan, magkasya kayo sa piktyur na nakunan ng aming kamerang-gala.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.