Ampong dalagita, 5 beses ginahasa ng ama

DAVAO CITY – NAHAHARAP ngayon sa kasong panggagahasa ang isang ama na limang beses na gumahasa sa kanilang ampon na batang babae.

Nakilala ang suspek na si Vergilio Talin-sing, 52, residente ng Minyus Sagingan, Purok 20, Maa, sa lungsod ng Davao.

Biktima naman ng panggagahasa ang 10-anyos na batang babae na ampon ng nasabing suspek at ng asawa nito.

Naganap ang pinakahuling panggagahasa noong araw Sabado nang mahuli ng misis na si Hermencita sa pagpasok sa kanilang bahay na nagsi-zipper pa ang mister.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng misis sa dalawa, napag-alaman na makalimang beses na palang pinagsasamantalahan ng kanyang mister ang dalagita.

Sa ngayon inihanda na ng Talomo Police Station Women’s and Children’s Protection Desk ang affidavit at mga ebidensiya upang pormal na maisampa ang kasong Statutory Rape laban kay Talinsing. (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.