Ampon ni Shawie, tunay na anak ni Sen. Kiko sa ibang babae?!

TALAGANG ITINUTURING NA ni Sharon Cuneta na sariling anak ang inampon nilang batang lalaki at isinunod siyempre sa pangalan ni Senator Francis Pangilinan. Kahit ano pa ang sabihin, patuloy na marami ang nagdududa sa pagkatao ng bata kahit wala pa itong kamalay-malay. May lumabas uling chika na ito raw talaga ang anak ni Senator Kiko sa ibang babae na noon pa laman ng tsismis at blind items.

Deadma si Sharon dito, lalo na’t open book naman sa publiko ang kanyang buhay. Para sa kanya, ang pagdating ng batang lalaking ito’y hudyat ng ibang klaseng pagiging ina niya. Hindi lang talaga sa kanya nanggaling ang bata, at ‘yun lang ang kulang para tawagin niyang sarili niyang anak ito.

Wala ring problema si Shawie sa pagpapalaki ng baby boy dahil ang kapatid niya ay puro naman kasi lalaki ang anak, kabaligtaran niya na puro mga babae ang supling. Sa mga pamangking lalaki ni Sharon, natuto siyang maging mapagpasensiya lalo na sa kalikutan ng mga batang lalaki, at noon pa talaga ay nangangarap na sila ni Senator na magkaroon ng anak na lalaki.

Pero, sa edad ni Sharon, naiisip na rin ng mag-asawa na magiging peligroso ang muling pagbubuntis ng Megastar, kung sakali. Dahil sa sunud-sunod na panganganak halos noon, hindi na napigilan pa ang paglobo ni Sharon. In fairness, mukhang bumaba ang timbang niya nang maging inducting officer siya ng bagong halal na officers ng Entertainment Press Society, Inc. (EnPress).

Habang isinusulat namin ito’y kasalukuyang nagbabakasyon sa Japan ang pamilya ni Sharon, at nakatutuwa ang bitin niyang kasagutan sa mga nag-aabang sa muling pagsasama nila ni Gabby Concepcion sa pelikula. Mas mauuna ang pagsasama ng mag-amang Gabby at KC Concepcion sa bakuran ng Star Cinema, sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes, kung saan kabituin nila si Jericho Rosales.

Hintayin na lang daw ang pagsasama nila ni Gabby sa pelikula, pero ang deal daw, pagkatapos ni Gabby, si Shawie ang dapat makasama ni KC sa isang film project, in the future. Natatawa si Sharon kapag nakikita ang pananabik ng press people na mas excited pa yata sa muling pagsasama ng tunay namang minahal ng masang loveteam nina Sharon at Gabby.

KAHIT ANO RIN ang sabihin ng iba, hindi bibitaw si Pokwang sa ABS-CBN hangga’t nagtitiwala ang network na ito sa kanya. Kapipirma lang pala ni Pokie ng another two-year contract sa ABS. Part nga nito ang inumpisahang pagsasaere ng “Love Me, Love You” na tampok sa Your Song na napapanood tuwing Sunday afternoon.

Iniintriga kasi si Pokie na hindi raw siya pinahihiram talaga ng ABS at Star Cinema kahit sa Viva Films na noon pa ay gusto nang i-launch sa stardom ang komedyana. Mas mauuna pa tuloy magkaroon ng kanyang solo movie si Vice Ganda sa Viva, ang bagong version ng Petrang Kabayo.

In fact, mas nauna pa si Eugene Domingo na mabigyan ng solo movie, ang very successful Kimmy Dora. Ang alam namin, maingat ang ABS sa pagpapahiram kay Pokie at kung magso-solong bida nga naman ito, mas maaalagaan nang husto kung sa Star Cinema ito mangyayari.

Hindi naman atat si Pokie na mabigyan ng solo movie. Ang katuwiran nga niya, hamak na mas nauna si Uge sa kanya. Si Vice ay matagal na rin sa eksena kaya deserving na ring mabigyan ng break.

Kung hindi pa napapanahon ang break niya, willing naman siyang maghintay. Hindi ito magiging problema sa kanya. Mabuti sana kung walang trabahong ibinibigay ang ABS sa kanya, eh, isa na nga si Pokie sa busiest among Star Magic artists, huh!

Calm Ever
Archie de Calma

Related Post

loading...

One thought on “Ampon ni Shawie, tunay na anak ni Sen. Kiko sa ibang babae?!

  1. ha… well i like sharon but this boy is kiko’s son so wait and see. the boy is going to look just like kiko or will have some of his looks…

Leave a Reply

Your email address will not be published.