Ampatuan: “Patayin silang lahat!”

PLANADO NG BUONG pamilya Ampatuan ang malagim na pagpatay sa kanilang kalaban sa pulitika kasama ang mga tagasuporta nito. Ang tumatayong lider ng pamilya ang nagbigay ng final order na “kill them all” bago pa man natagpuan ang 57 bangkay ng mga biktima makalipas ang anim na araw, batay sa testimonya ng isa sa mga kasambahay ng pamilya noong Miyerkules.

Sa pagbubukas ng paglilitis mahigit sampung buwan na ang nakararaan matapos ang pinakabrutal na political killings sa kasaysayan ng Maguindanao, idinawit ni Lakmudin Saliao si Andal Ampatuan Jr. sa naganap na massacre sa utos ng ama nitong si former Governor Andal Ampatuan Sr.

Sa pahayag ni Saliao, 33, si Ampatuan Jr., Mayor ng Datu Unsay, ang nanguna sa puwersa ng mahigit isandaang pulis at paramilitary troopers para gawin ang massacre noong Nobyembre 23, 2009.

Kasama sa mga nasawi ang 30 mamamahayag, ang pinakamalaking grupo ng media na napatay sa naturang insidente.

Sa pangunguna ni Ampatuan Sr., mga anak na lalaki, kasama ang bunsong anak na si former Governor Zaldy Ampatuan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, matagumpay na nahadllangan ang kalabang kampo, si Toto Mangundadatu kasama rito ang ilang kamag-anak at mga tagasuporta, sa paghahain ng kandidatura bilang Mayor sa nakaraang eleksiyon noong Mayo, ayon kay Saliao.

“That is easy, father. Kill them all if they come here,” sabi ni Ampatuan Jr. habang ginaganap ang first meeting ng kanilang pamilya sa kanilang farm sa Barangay Bagong sa Shariff Aguak noong Nobyembre 17. Batay pa rin sa salaysay ni Saliao.

“If that is what we’re talking about, we should plan it carefully so that we won’t be discovered.” Sabi pa rin ni Zaldy Ampatuan, ayon sa testimonya ni Saliao.

Batay sa report, isa pa sa miyembro ng pamilya na si Vice Governor Akmad Ampatuan ang nagbitaw ng mga katagang  “We will listen to father. It is OK with us if all of them are killed.”

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.