Amor Powers, kinikilig sa ka-relasyong si Rocky Salumbides! – Boy Abunda

EULA VALDEZ IS in-love! Kitang-kita ito sa ningning ng kanyang mga mata habang kinikilig niyang kinumpirma ang tungkol sa bago niyang boyfriend.

Si Eula ang nag-iisang “Amor Powers” sa buhay ng former PBB housemate na si Rocky Salumbides. The name Amor Powers is closely associated with Eula after she portrayed the feisty character in ABS-CBN’s Pangako Sa ‘Yo.

Nalaman ng publiko ang tungkol sa kanilang relasyon nang aminin ito ni Rocky sa mga kapwa niya housemates while they were soaking in the jacuzzi. Dito, buong-pusong inilantad ni Rocky ang kanyang tunay na nararamdaman sa babaeng pinangalanan niyang Amor Powers.

Sinabi ni Eula na ang haba raw ng kanyang hair nang tanungin noon si Rocky bago ito pumasok ng Bahay ni Kuya kung may karelasyon siya. “Binata pa pero taken na,” sagot nito. Nagkakilala ang dalawa nang sila ay gumawa ng isang music video shoot kung saan leading man ni Eula si Rocky.

Sino nga ba si Rocky Salumbides? Ayon sa website ng Pinoy Big Brother Double Up, si Rocky ay isang modelo na nakapagtrabaho na sa Singapore, Hong Kong, China, South Africa, Milan at London. Nakakaintriga rin ang isang paragraph mula sa website where he shares about his lovelife. I think he is talking about Eula. “Pinatino ako ni Pag-ibig.” Indeed, it was this pursuit of his lady love, whom he calls “Pag-ibig” that had him turning his back on a career others can only dream of. Lucrative as his career was, love beckoned and he chose to follow. He obviously has no regrets about turning his back on the international limelight. With her, he is home.

Sinabi noon ni Eula na nasasaktan siya kapag may mga negatibong komento kay Rocky tulad sa issue ng gender discrimination kay Rica. “Hindi siya ganoon talaga. At saka maganda naman ang sinabi niya, iyong description niya na She-Man,” pagtatanggol ni Eula. Pero aminado siya na may pagkakamali rin si Rocky sa pagtrato kay Rica. “Nung minention niya iyon, gusto kong kumuha ng diyaryo, irolyo at pak!”

Umiyak kamakailan si Rocky dahil sa pangungulila sa kanyang girlfriend. Ito ay nauwi sa kanyang voluntary exit mula sa Bahay ni Kuya. Gusto raw niyang tuparin ang kanyang promise kay Eula na makasama ito sa kanyang birthday, Christmas at New Year. Eula was there para salubungin siya. Nagkaroon din ng pagkakataon ang aktres na makilala ang mga natitirang housemates.

Ano kaya ang naghihintay kay Rocky ngayong nakalabas na siya ng Bahay ni Kuya?

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.