Amo, Kinatay ng Trabahador

KAMATAYAN ANG sinapit ng isang 80-anyos na negosyanteng babae habang dalawa namang bata ang grabeng nasugatan matapos na pagsasaksakin ng trabahador na sinibak ng biktima sa Barangay Caticlan, bayan ng Malay, Aklan kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Agnes Sancho, may-ari ng ASJ Sancho car park habang ginagamot naman sa Saint Gabriel Hospital ang dalawang ampon nitong sina Sunshie Agnes Sancho, 10; at Dion Sancho, 4.  Nadakip naman ang salarin na si Rogelio Bigornia, 22, ng Culasi, Antique.

Lumalabas sa pagsisiyasat na ang suspek ay sinibak sa trabaho kung saan muling bumalik para kunin ang P1,000 panghuling suweldo bilang car park attendant subalit nakipagtalo na humantong sa pananaksak na idinamay pa ang dalawang ampon ng nasabing matanda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)


loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.