Amo, Inutas ng Katiwala

DAHIL SA sinasabing matinding panlalait ay nagawang paslangin ng katiwala ang kanyang 84-anyos na amo na sinasabing ibinaon at sinunog ang bahay nito sa Barangay Dalas sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakailan.

Sa ulat ni PO3 Glenn Aguitong, kinilala ang biktima na si Cleofe Malubay habang sumuko naman sa mga alagad ng batas ang salarin na si Ramil Egay, 29, ng Purok 4 sa nasabing bayan.

Ayon kay P/Chief Insp. Eusebio Estopares, mismong ang suspek ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya na nasusunog ang bahay ng biktima.

Hindi naman kumbinsido ang mga imbestigador ng pulisya sa alibi ng suspek na inamin din ang nagawa nitong krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.