Amir’s B-Day Party

1-Carlos Agassi

Picture 1 of 7

HINDI MAITAGO ng hunck actor na si Carlos Agassi na sobrang saya nang ipagdiwang niya ang kanyang kaarawan last December 12, 2012 sa kanilang tahanan sa Bel-Air, Makati City.

Kasamang nag-celebrate ni Amir ng kanyang intimate 33rd birthday ang mga kapatid na sina Aaron at Michael (husband ng aktres na si Cherry Lou), at ilang malalapit na kaibigan.

Dating kabilang sa grupong The Hunks kasama sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Bernard Palanca, nakapagbida na rin sa primetime si Carlos bilang leading man ni Claudine Barretto sa teleseryeng Sa Dulo Ng Walang Hanggan na umere noong 2001 hanggang 2003.

Halos dalawang taong nawala sa showbiz si Carlos, at noong 2010, bumalik siya sa telebisyon via Agua Bendita bilang kontrabida.

Huling pelikulang nasamahan ni Carlos ngayong 2012 ang Every Breath U Take at Moron 5 and The Crying Lady.

Text by Dani Flores

Photos by Fernan Sucalit

Clickadora

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.