Aminadong walang 45 na ari-arian si Corona Prosekusyon, umatras!

LUMABAS NA mismo sa bibig ni House lead prosecutor Neil Tupas Jr. ang pag-amin na hindi talaga umabot sa 45 ang kinuwestyon nilang umano’y properties ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa pagpapatuloy ng impeachment trial, inungkat ni Senator-Judge Francis Escudero ang naunang pahayag ng prosecution panel na umaabot ng 45 ang mga kuwestiyunableng ari-arian ni Corona.

Batay sa mga ebidensiyang inihain, umaabot lang pala sa 24 ang ari-arian ng punong mahistrado, kasama na ang mga parking lots.

Noong una ay mistulang nalito si Tupas at sinabi na 21 pa lang ang kanilang ebidensiya at sa huli ay nilinaw na 24 na.

Bilang pagdepensa, ipinahayag ni Tupas na hindi umano sila ang nagsabi sa publiko ng naturang mga ari-arian kundi ang media, batay sa dokumento mula sa Land Registration Authority (LRA).

Itinanggi rin ni Tupas na sila ang naghayag sa media ng nabanggit na mga dokumento.

Matatandaang ipinagmalaki pa noon ni Tupas ang sulat mula sa LRA na nagdideklara ng umano’y mga ari-arian ng mga Corona.

Karamihan sa mga ito ay nasa Quezon City na umabot sa 23, habang 12 naman sa Taguig, walo sa Marikina, isa sa Makati City, habang isa sa Parañaque-Pasay City.

Ayon pa sa prosekusyon, kabilang lang ito sa kanilang mga natuklasang ebidensiya para kuwestyunin ang yaman ng pamilya Corona at maaa-ring gamitin na ebidensiya sa paglilitis laban sa punong

mahistrado sa impeachment court. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.