Aminadong naglalaway kay Derek Ramsay… Vice Ganda, takot sa kilay ni Angelica Panganiban!

LUMABAS DIN MULA sa bibig ng hina-hangaan ngayon hindi lang sa kanyang pagkanta kundi pagpapatawa na rin lalo ng mga kabataang si Vice Ganda na may ‘pagnanasa’ nga siya sa actor na si Derek Ramsay, na kasama niya nga sa Private Benjamin ng Viva Films. Ang nakakapigil nga lang daw sa kanya para agad-agad nang erase-in ang kanyang pagpapantasya sa kasama eh, ang kilay ni Angelica Panganiban.

Sa solo press conference para sa kanya ng Globe, marami na naman uling mga pasabog si Vice Ganda. Kahit na anong pilit ang gawin ng ilang press sa patuloy na pag-urirat sa napabalitang alitan nila ni Boss Vic del Rosario noong kanyang huling major concert, sinabi ni Vice Ganda na tapos na ito at maayos na sila ni Boss Vic. Or else, wala na siyang mga proyektong inaasikaso nito sa kasalukuyan. Kaya naman daw ayaw na niyang magsalita eh, dahil sa may ibang mga tao pang mapapahamak. And since matagal na nga itong natapos, eh, huwag na lang daw siyang usisain pa.

Sa iniintriga naman sa kanila ng naging director niya sa nasabing concert na si GB Sampedro, wala rin daw siyang masasabi dahil naging maayos naman ang pagtatrabaho nila. Sana raw kung may problema ito eh, sabihin straight to his face.

Masaya naman daw ang Globe sa sales nila, lalo na sa promo nila ng SuperTXTALL20 kaya ginawa na itong 25 ngayon dahil ‘un-kabog-able’ na nga raw ang ‘unlimited’ promo nila to all networks pa.

Sa inilalagay namang intriga sa pagitan nila ng Megastar na si Sharon Cuneta, pati na ng anak nito na si KC, ang sabi lang ni Vice Ganda, “Sure ako na love niya (Sharon) ako. Sa akin kasi, kapag ibinigay ang personal number, malaking bagay na ‘yun. Kaya nagkaka-text-an kami. Pati si KC bini-BBM ako. Nagse-send sila ng mga jokes sa akin. Nu’ng Pasko, binigyan pa ako ng French ma-caroons ni Mega na siya ang gumawa.”

Pero malinaw din ang sinabi ni Vice Ganda, na when it comes to KC and Piolo Pascual eh, hindi siya updated.

Ano ang masasabi nito sa mga detractors niya na up to now eh, ayaw pa ring magsitigil? “Ayokong magbigay ng statement. Para sa akin, ano lang ‘yan, eh-mind over matter. They don’t matter, so I don’t mind!”

 

NAKA-DINNER KO ANG actor na si Jomari Yllana. Na abala naman ngayon para sa promo ng proyekto niya kay Direk Marilou Diaz-Abaya na ipapalabas na sa September 14, ang Ikaw Ang Pag-Ibig na tinatampukan din nina Marvin Agustin, Eddie Garcia at Ina Feleo.

May mga special screenings na rin pala sa iba’t ibang unibersidad ang nasabing pelikula at ang huli nga nitong sinalangan eh, ang A-damson University.

Aminado si Jom na for a while eh, medyo mas pinili na lang muna niya ang magpahinga. Dahil inakala niya na magsisimula na siya ng salang niya sa seryeng gagawin sana nila ng ex-wife niyang si Aiko Melendez sa ABS-CBN, ang Atom. Napalitan na raw nang napalitan ang cast nito at sila na lang ng bidang si Bugoy ang natira.

Hindi pa rin nga siya maka-get over sa pagkawala ng tatay niya, ng tatay-tatayan din niya in showbiz na si Tito Dougs Quijano at ang nangyari nga sa kanyang best friend na si Ronald Singson.

Sa pananahimik naman ni Jom at pamamahinga, patuloy naman siyang ginagabayan ng kanyang kaibigang si Fr. Soc Villegas. Kaya, kung may time siya, nagsasalo sila ng anak na si Andre sa katuwaan sa racetracks ng mga sasakyan dahil ito raw ang nakakahiligan ng anak niya. O kaya, nasa iba’t ibang lalawigan siya para sa mga binubuksan niyang franchise ng Rapide.

“But I’m okay now, Pilarsky. Ready na uli ako to work. At sa ngayon, promo muna para sa isang magandang proyekto ni Direk Marilou ang ginagawa ko. Very close rin ito to my heart, dahil Bicolano rin ako. Pero ang istorya niya eh, tungkol sa struggle ng isang pamilya at sa mahal sa buhay na struggling with cancer. Kaya, gaya ko, makaka-relate ang marami sa mga manonood nito. How the family coped.”

Ang inaabangang tanong. Love life?

“Ikaw ang bumilang kung ilang months o taon na bang wala. Hindi nga kasi ako naglalalabas. Mas gusto ko pa sa bahay. O kaya kay Mama. Or with Andre.”

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

4 thoughts on “Aminadong naglalaway kay Derek Ramsay… Vice Ganda, takot sa kilay ni Angelica Panganiban!

  1. Excuse me, sa nag sasabing hindi gwapo si Derek Ramsey, bakit kayo ba ay pogi? Basta ako type ko din si Derek no. Kaso mas maganda si Vice kesa sa akin. Pero mas masarap naman ako kesa ki Vice at Angelica, sigi Derek tikman mo kami 3 para ikaw ang maging judge kung sino ang may kakayahang tumawid sa alambre, para mapasaya ka………. hahahahaha.

  2. ULOL NA MGA PUTANG MALIBOG LNG TALAGA C KABET NA C ANGELICA PANGANIBAN NA LAWLAW ANG SUSO AT SABOG ANG PWERTA KC PATAY NA PATAY CYA K DEREK NA SAKANG NA GURANG NA MUKHANG MABANTOT. YUMMY DAW C DEREK?!!!!!!! PUTANGNA KHIT KABAYONG HILO SA LIBOG EH HINDI KAKANTUTIN YANG SAKANG NA C DEREK NA YAN EH! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

  3. ang laki cguro talaga ang dinadala ni derek??!!!! kahit alam na ni angelica na kabit lang sya, ayaw parin pakawalan c derek!!!!ayan tuloy na lusyang na… maganda sana ang fez kaYA lang ni laspag na!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.