AMINADONG CRUSH SI SANDARA PARK PERO HINDI NANLILIGAW: Robi Domingo, may awkward moment with Gretchen Ho sa Star Awards for TV

Gretchen Ho and Robi Domingo

MAY MGA EKSENA sa ng 31st Star Awards for Television na ginanap sa Ateneo de Manila University Henry Lee Irwin Theater last night (Sunday).

 
Ang mga tsika, na-rattle si Robi Domingo (as one of the host ng event) nang makita ang ex-girlfriend na si Gretchen Ho.
 
Pero nang umakyat sa entablado si Gretchen para tanggapin ang award nila represented by Gretchen para sa Umagang Kay Ganda para sa category na Best Morning Show Hosts sa speech nito: “Hindi po biro ang gumising ng umaga. It’s a matter of commitment.
 
Biniro ni Ruffa si Robi (co-host niya during that moment) na: “Ang saya mo ngayon, Robi… kinikilig ka Robi!” na nagtilian ang audience.
 
Ang alam ko, hindi naging maganda ang hiwalayan ng dalawa na ayon sa gossip feed sa akin kaninang umaga, mahirap daw “himasin si girl (Gretchen) habang si Robi naman ngayon ay natsi-tsismis kay Korean Pop Superstar na si Sandara Park.
 
Say ni Robi sa backstage tsikahan na type niya ang tipo ni Sandara pero hindi pa siya nangliligaw sa dalaga. Not at this time.
 
Ang mga tipong Asians (like Gretchen at Sandara) ang tipo ng mga babae ng binata na ayon sa mga saksi, super guwaping ang binata last night kung saan he hosted the event. Pero ang basa ng marami, love pa rin nina Robi at Gretchen ang isa’t isa.
 
 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.