Amerikano, Nahulihan ng P50-M Shabu

NAKUHA ANG P50 mil-yong halaga ng Shabu sa mula sa isang Amerikano matapos ang isang raid na inilunsad ng PNP-Anti Illegal Drug Special Operation Task Force (PNP-AIDSOTF) noong Nobyembre 20, sa Makati.

Sumasailalim ngayon ang suspek na si Kevin Bryan Hills, 33-anyos, residente sa may The Columns Tower 2, Ayala Avenue, Brgy. Bel-Air, sa inquest proceedings na pinapangasiwaan ni Department of Justice (DoJ) State Prosecutor Ana Noreen Devanadera.

Ayaw magkomento ng kampo ng Amerikano ukol sa siyam na kilo umano ng Shabu na nasabat sa isang Mitsubishi Pajero.

Pagsasaad ng National Power Corporation (NAPOCOR), pag-aari nila ang Pajero na ipinahiram umano kay Ang Galing Party-List Rep. Mikey Arroyo noong 2008.

Kaugnay nito, ayaw namang magkomento ni Rep. Arroyo ukol sa

nasabing sasakyan. Ayon sa kanya, si Atty. Antonio Mariano Almeda umano na dati niyang tauhan ang dapat magsalita ukol dito.

Ipinahiram umano ang Pajero ng NAPOCOR sa tanggapan ni Arroyo para sa ocular inspections. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa naisasauli ni Alameda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.