Amerikano, Dinakma ang Ari ng Anak ng Kasera

KULONG ANG isang Amerikano matapos paghihipuan ang kaselanan ng dalagang anak ng kasera nang pumasok ang huli sa inuupahang kuwarto ng una upang maningil ng renta sa Navotas kahapon ng madaling-araw.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness si Travis Adams, 44 nanunuluyan sa Piscador St., Bangkulasi ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 18, alas-12:20 ng madaling-araw, kinatok niya ang pintuan ng suspek  upang singilin sa renta.

Nang magbukas ay pinapasok ng suspek ang biktima kung saan agad na dinakma sa kaselanan ang dalaga na nagpapalag at nakita ng kaanak.

Humingi ng tulong sa mga barangay tanod ang saksi na naging dahilan upang dakpin at dalhin sa presinto ang suspek at sampahan ng nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.