American boxing promoter wants to get in Rochelle Pangilinan’s pants?!

PARA NAMANG ALAM na ng manager ng SexBomb na si Joy Cancio kung sinu-sino ang mga nagpipilit magbalitang meron siyang diumano’y karelasyong bagets ngayon.

Dahil nga binata na ang isang anak niya, na nakakasama naman niyang lumakad sa kung saan-saan kasama ang iba pa niyang bulilit, malamang na ‘yun daw ang napagkakamalang bago niyang boyfriend. Eh, sabi nga niya, nagkabalikan na sila ng kanyang esposo nang mahabang panahon.

Sa tanong ko naman kay Joy kung totoo ba naman ang balitang smitten by the charms ng kanyang alagang si Rochelle Pangilinan ang isang banyagang boxing promoter (si Bob Aaron ba ito?) eh, agad niyang sinalag na hindi totoong nanliligaw ito sa isa sa mga kagigiliwang mapanood sa bagong season ng Daisy Siete na Kambalilong.

Ang nakarating kasi sa aming balita, dadalhin si Rochelle ng nasabing promoter sa Las Vegas, Nevada, USA hindi lang para mag-show, kundi para makapanood ng laban ni Manny Pacquiao at makapagliwaliw pa sa sari-saring pasyalan doon.
Basta ang sinabi ni Joy, ang alam daw niya eh, hindi naman ito nanliligaw sa kanyang alaga.

SA STATUS NIYA bilang sikat na celebrity, there are times naman pala na nagagawa pa rin ng aktres na si Angel Locsin to have fun, kahit na nasa trabaho siya.

Nai-share nga ni Angel sa press conference ng bago niyang teleserye with Sam Milby and Diether Ocampo na Only You, na noong nagte-taping sila sa Korea, nagkayayaan sila ni Iya Villania na mag-iikot sa kung saan-saan para mag-shopping at buong maghapong naka-disguise, naka-anime wigs sila. Gusto lang nilang maging ordinaryo, pero kahit na wala naman silang intensyong kumabaga eh, magtago, marami pa rin namang mga Pinoy ang nakakilala sa kanila.

If there is one thing na nag-bond sa kanila ni Diet, nu’ng nasa plane pa lang sila patungong Korea, ‘yun ang sharing nila sa mga bagay-bagay tungkol sa sitwasyon nilang may mga mahal na naiwan sa Pilipinas. Plano na nga raw ni Diet na ipasyal din sa Korea ang kanyang girlfriend na si Rema.

Adaptation ng Koreanovela with the same title ang Only You, pero sabi nga ng direktor nito na si Rory Quintos at ng writer na si Henry Quitain, nilagyan pa rin nila ng Pinoy flavor ang istorya ng tatlong taong naghahanap ng tamang sangkap sa mga prayoridad nila sa buhay, at kung paano nilang lulutuin to get the flavor that they want to have in their lives. Siguradong marami ang kikiligin sa eksena ng tatlong bidang susuportahan nina Dimples Romana, Candy Pangilinan, Dick Israel, Bing Pementel, Irma Adlawan, Al Tantay, Ella Guevara, Tirso Cruz III at Iya nga.

Huwag nang magtaka if one of these days, ang pagiging chef o culinary expert naman ang maisipang pagkaabalahan ni Angel during her spare time. Kasi nga, she had to take some lessons in cooking para sa papel niya rito as Jillian.

Sinampolan pa ni Angel ang press ng kanyang aligue kanin o aligue bibimpop – fusion ng Pinoy at Korean dish.

Marami na kayang luto ni Angel ang natikman ng kanyang Papa Luis Manzano? Watch na ng Only You simula sa April 27, ha?

The Pillar
by Pilar Mateo

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “American boxing promoter wants to get in Rochelle Pangilinan’s pants?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.