Ambulansya, Tinangkang Holdapin

PINAGTANGKAANG HOLDAPIN ang ambulansya ng Concepcion, Iloilo sakay ang tatlong mga empleyado ng accounting at treasurer’s office ng naturang bayan.

Ayon kay C/Insp. Remias Alavaren, hepe ng Concepcion Municipal Police Station, nagdeposito ng pera sa Land Bank of the Philippines (LBP) sa bayan ng Sara ang mga empleyado at nang pabalik na ang mga ito, tatlong lalaki na sakay ng motorsiklo ang nakitang nakabuntot sa kanila.

Nagduda ang driver at sakay ng ambulansya dahil may takip ang mukha ng naturang mga lalaki.

Dahil dito, binilisan ng driver ang pagpapatakbo ng ambulansya subalit nagpatuloy sa pagsunod ang motorsiklo at pagdating ng Brgy. Calamigan, Concepcion nagtangka ang mga salarin na mag-overtake at saka pinaputukan ang ambulansya.

Dalawang bala ng baril ang tumama sa ambulansya habang nakaligtas naman ang driver at mga empleyado na sina Marilou Lobo, Coleen Panes at Molina Zaragosa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.