Ambisyosong budget ng DSWD, pinipilit ni Soliman

PILIT NA IPINAGLALABAN ni Social Welfare Secretary Corazon “Dinky” Soliman ang P21-bilyong conditional cash transfer (CCT) program ng administrasyon kahit na iginigiit ng iba na ito ay napaka-ambisyosong programa dahil lalong lumalaki ang bilang ng mahihirap na pamilya sa bansa.

“Be more professional.” Pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino hinggil sa pag-uusap ng mga kinatawan sa House of Representatives ukol sa CCT budget para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Indefensible.” Ang naging tugon naman ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa iminungkahing CCT program.

“It is unconscionable to make drastic cuts in the budget of the University of the Philippines and other state universities and colleges, which cater to poor students, in order to support a program of doles without the necessary preparation,” ani Santiago.

Kahit ang dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay sinabing ambisyoso, iresponsable at ‘di napapanahon ang CCT program.

“If that is ambitious then it is ambitious,” sagot ni Soliman.

Handang sagutin lahat ni Soliman ang lahat ng katanungang ibabato sa kanya sa CCT budget at ipaliwanag ang kanilang kapasidad para isakatuparan ang nabanggit na programa.

“I’d like to believe legislators really want to help the poorest of the poor. With the answers we provided, we hope they will see and support the poverty reduction program by the Aquino government run by the DSWD,” ayon pa rin kay Soliman.

Ipinagpaliban muna ng mahigit 25 house member kasama si dating Pangulong Arroyo sa ibang araw ang pagtatanong sa sponsor ng nasabing DSWD budget na si Guimaras Rep. Joaquin Carlos Nava.

Sinuspinde naman ng Kamara ang debate at deliberasyon sa P34.256-bilyong DSWD budget kahapon upang bigyang daan ang deliberasyon sa budget ng ibang ahensiya at departamento ng gobyerno.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.