Ambisyoso, Arestado sa Monkey Business

SA KAGUSTUHANG yumaman, isang lalaki na bumili ng pekeng pera para makapagtayo ng negosyo ang dinakip sa Cebu City.

Kinilala ang inaresto na si Dennis Doleno, 42 anyos at residente sa lugar habang inaresto rin ang kanyang mga kasabwat na sina Roberto Atamosa, 38 anyos; Ian Mendoza, 31 anyos; at Naoki Miles Herrera, 20 anyos.

Ang apat ay inaresto sa Barangay Bagatayam sa bayan ng Sogod habang sine-set up ang kanilang ititindang canned food, softdrinks at sigarilyo.

Gayunman, napansin ni Gogornia na peke ang ibinayad sa kanya kaya naman nagpasaklolo sa pulisya.

Kahit nakaalis na sa tindahan ang apat ay nasundan ito ng awtoridad dahil nakasakay ang mga ito sa isang taxi.

Nakumpiska sa possession ng mga dinakip ang 76 fake bills, kung saan 24 dito ay P1,000 notes, at 52 ang P500 bills.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ni Doleno na nais naman niyang yumaman kaya napilitan siyang bumili ng pekeng pera para magnegosyo.

Ayaw ring ituro ni Doleno kung kanino niya binili ang pekeng peso bills.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.