Amasonang opisyal ng NPA, nasakote sa Masbate

ISANG AMASONA NA may mataas na katungkulan sa rebolusyunaryong hukbo ng bansa ang nasakote ng militar sa lalawigan ng Masbate.

Sa report na ipinadala ni Maj. Harold Cabunoc ng 9th IB ng Philippine Army, sa tanggapan ni Philippine Army commander Lt. General Arturo Ortiz, kinilala ang nasakote na si Vivian Herrero Blanca alyas Ka Vivian.

Sa ulat, nasakote si Ka Vivian nang ituro ng sumukong rebelde ang kinaroroonan ng amasona kasabay nito agad na dinala ang nasakote sa PNP Provincial Office upang isailalim sa interogasyon at ihanda na rin ang kasong isasampa laban dito.

Ayon pa kay Cabunoc, nagkakawatak-watak  na ang mga rebeldeng New People’s Army sa lugar ito’y dahil sa sunud-sunod na pagka-aresto ng kanilang mataas na lider ng CPP-NPA-NDF Bicol.    (SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.