Amang nanggahasa ng 2 anak, nagpatiwakal

PINANINIWALAANG DAHILAN sa labis na kahihiyan at konsensiya, isang 40-anyos na ama na inireklamo ng panggagahasa ng dalawa nitong anak na babae ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti sa Brgy. Abuor, Narvacan, Ilocos Sur kamakailan.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi si Rey Sahagon na residente rin ng naturang lugar.

Napag-alamang si Sahagon ay ipinagharap ng kasong multiple counts of rape ng dalawa nitong menor-de-edad na anak na ngayo’y kinukupkop ng Department of Social Welfare and Admi-nistration (DSWD).

Napagbalingan umano ng suspek na pagsamantalahan ng makailang ulit ang kanyang dalawang anak dahilan sa pangungulila sa kanyang misis na isang Overseas Filipino Worker (OFW).

Base sa ulat ng mga kinauukulan, ang suspek ay nadatnan na nakabitin sa kisame ng kanilang banyo na nangingitim na at lawit pa ang dila. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.