Aman Execs, Kinasuhan Na

SINAMPAHAN NA ng Department of Justice (DoJ) ng dalawang kasong syndicated estafa sa Pagadian City Regional Trial Court (RTC) ang 10 opisyal ng Aman Futures Group Philippines Inc. na isinasangkot sa P12 bilyong pyramiding scam.

Kabilang sa mga kinasuhan kaugnay ng reklamo ng limang naloko umano ng mahigit P46 milyon noong nakaraang taon sina Manuel Amalilio, Fernando Luna, Lelian Lim Gan, Eduard Lim, Wilanie Fuentes, Naezelle Rodriguez at Lurix Lopez.

Inabsuwelto naman ng nasabing ahensiya si Isagani Laluna dahil sa kawalan ng ebidensya na ito’y may direktang partisipasyon sa operasyon ng Aman bilang counsel at corporate secretary.

Bukod sa naunang pito, kabilang din sa mga kinasuhan ng ikalawang kaso ng syndicated estafa alinsunod naman sa reklamo ng siyam na investor na naloko umano ng P24 milyon sina Nimfa Luna, Darwin Wenceslao at Dona Coyme.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, naihain na ng mga prosecutor ang kaso sa Pagadian RTC at inaasahang ira-raffle ito kahapon.

Umaasa anyia sila na makapaglalabas ng warrant of arrest sa lalong madaling panahon.

Samantala, kaugnay naman ng pagkakaroon ng state witnesses, pinag-aaralan pa ito ng special panel ng DOJ.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.