Amalilio, Walang VIP Treatment sa KL

BAGAMA’T HINARANG ng Malaysian authorities ang pagpapauwi sa Pilipinas ng sinasabing utak sa multi-billion peso Aman Futures pyramiding syndicate, tiniyak naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas na walang special treatment na ibinibigay ang Malaysian Royal Police sa negosyanteng si Manuel Amalilio.

Sinabi ni Roxas na kasalukuyan pa ring nakakulong si Amalilio matapos na maa-resto ito dahil sa pagbibitbit ng pekeng pasaporte at iba pang dokumento sa Kota Kinabalu.

Kasalukuyan na ipinapaubaya na muna ng gobyerno sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-asikaso sa deportasyon ni Amalilio.

Una rito, inihayag naman ni Philippine police attache S/Supt. Carlo Collado na nagbigay na rinng  katiyakan ang mga Sabah official na maidi-deport ang negosyante sa bansa para kaharapin ang patung-patong na mga kaso.

Gayunman, kailangan lamang umanong maghintay ng Pilipinas na maayos ang ilang isyu hinggil sa kaso ni Amalilio.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.