Amalia Fuentes, gagastusan ang demanda ng showbiz columnist kay Annabelle Rama?!

BIRU-BIRUAN SA thanksgiving ng Walang Hanggan (dahil consistent number 1 sa primetime at Philippine phenomenon) sa Gallery two nights ago ay ang pag-convince sa amin ng ilang staff na magkaroon na kami ng “bed scene” ni Arlene Muhlach sa teleserye para umabot na sa 50% ang viewership.

Sabi ko, “Pag-iisipan ko ‘yan, ha? Nakakahiya naman kung hindi ako titigasan. Hahaha!”

Pero seriously, very, very happy ang buong cast, staff and crew, dahil muli na namang pinatunayan ng Walang Hanggan team na “unbeatable” talaga ang teleseryeng ito na kinababaliwan ng mga Kapamilya.

Siyempre, proud na proud din kami, dahil “nadadamay” kami sa “suwerte” ‘pag nagna-number 1 ang isang teleserye.  Kaya mula po kina Dawn Zulueta, Richard Gomez, Noni Buencamino, Paulo Avelino, Julia Montes, Joem Bascon, Melissa Ricks, Ms. Helen Gamboa-Sotto, Ms. Susan Roces, Eula Valdes, yours truly, Arlene Muhlach, John Medina and Coco Martin, maraming-maraming salamat po!

 

VERY DISTURBING at mapapa-Eeeewww! ka sa ilang eksena sa isang entry ng Cinemalaya, ang The Animal, pero nirerekomenda namin ito sa inyo na panoorin ninyo sa pagbubukas ng Cinemalaya mula July 20-29 (me gala night ng July 27, 9pm sa CCP) para maging aware kayo sa mga nangyayari sa mga kabataang nasa alta sosyedad o coño boys.

Kahit hindi kayo coño, after watching the movie, para na rin kayong naging coño at kayo na rin ang magdedesisyon kung paano n’yong iiintindihin ang coño kids.

May isang eksenang nakadidiri roon sa CR, kung saan kahit matagal na kaming artista ay pag-iisipan naming mabuti kung gagawin namin ang eksenang ‘yon. Pero napabilib kami nang todo sa mga nagsipagganap na hindi naman mga artista, pero mahuhusay.

Mas mahusay pa nga sa ibang artistang ang tagal-tagal nang artista, pero hindi pa rin marunong umarte.

Mahusay sina Albie Casiño, Patrick Sugui at ‘yung bagets na si Dawn.

Gusto rin naming papurihan ang batam-batang direktor nito, si Direk Gino M. Santos na sa edad na 22 ay nakalikha ng ganitong obra. Nagtagumpay siyang maiparamdam sa mga manonood kung ano ang buhay ng ibang coño.

Congrats sa bumubuo at sana, mabigyan ng big break sa telebisyon si Direk Gino!

 

HOW IRONIC, ‘no? Si Nadia Montenegro, nakabati si Gretchen Barretto sa burol ni Tito Dolphy. Ang kademandahan naman ni Nadia na si Tita Annabelle, nagpang-abot naman ito at si Chito Alcid sa burol ni Tito Dolphy (pero in fairness, sa dining area naman).

Sa ngayon, hindi namin alam kung magbabati pa sina Annabelle Rama at reporter na si Chito Alcid, pero mag-dedemanda raw itong si Chito at ewan kung totoo ang narinig namin na ang magpi-finance ng demanda ni Chito ay ang kaibigan niya at kaaway naman ni Tita Annabelle na si Amalia Fuentes.

 

ME NAG-TWEET sa amin kung inaaway namin si Tita Annabelle, dahil daw sa itinwit naming, “Kung madalas kang makipag-away, baka wala ka nang time magka-peace of mind.” Patungkol daw ba ‘yon kay Tita Annabelle?

Juice ko, eh, ang dalas-dalas naman naming gawin ‘yong gano’n sa twitter, ‘no? Magkaibigan kami ni Tita Annabelle, kaso lang, gusto lang ding paalalahanan si Tita A na something is wrong with her attitude towards her enemies.

Parang kung lahat na lang ng kaaway mo, susugurin mo, pagsasalitaan mo nang masasakit, parang pinarurusahan mo lang din ang sarili mo. Parang ipinagdadamot mo na sa sarili mo ang pahinga.

Pahinga ng puso, pahinga ng dibdib, pahinga ng galit. At palitan sana ‘yon ng pag-ibig at kapayapaan ng kalooban. Naroroon na kami na normal na kay Tita Annabelle ‘yon, pero kung linggu-linggo na lang gano’n nang gano’n, hindi na namin alam kung ano ang tawag doon.

May we suggest na magpakonsulta sa isang espesyalista si Tita A, baka merong ipainom sa kanyang pampakalma o pampababa ng galit. Kasi, kung lagi ka na lang nagagalit, baka matiyempuhang atakihin ka sa puso, Tita A, ha?

Ayaw naman naming mangyari ‘yon. Kaya baka lang magawan pa ng paraan ng espesyalista bago tayo magsisi sa huli ‘pag hindi naagapan ‘yang problema ni Tita A sa “anger management”

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

16 thoughts on “Amalia Fuentes, gagastusan ang demanda ng showbiz columnist kay Annabelle Rama?!

  1. kaytanda,kaytaba at kaypangit ni amalia,wala ka ng k kaya wag kang maghanap ng magpapasikat sa iyo,panahon ni anabel noh!

  2. @masda3, regardless of what chito alcid did, LECHON CEBU should have controlled herself to show some respect to the quizon family. Dapat pangaralan naman ni eddie ang asawa niyang kapalmuks na kung di sya magtitino ay hindi na niya sasamahan o sasabayan ang asawa niyang mal educada at kundi pa rin magbabago, hiwalayan na lang niya. Karami riyan na mas bata at magaganda pa. Tingin ko takot si eddie kay lechon cebu eh. .

  3. Ms. O., paki-remind naman ang mga old actress na yan to behave properly kasi old na nga sila and yet wala pa ring katahimikan ang buhay nila. Don’t they feel shy on what they were doing? Why not act like Ms. Gloria Romero and Ms. Susan Roces? They aged gracefully and very respected actresses. They don’t have that kind of messy things in their life. Pls. tell also ABS-CBN kung pwede habaan naman ang timeslot ng Be Careful kasi inaabangan ng mga anak ko un. They love Yaya Maya and Papa Chen dearly. Thank you and God Bless!

  4. BOYCOTT RUFFA HUWAG PAYAGANG MAKABALIK SA DOS DAHIL LALONG LALAKI ULO NG PAMILYA NIYAN WRITE CALL TEXT KAPAMILYA NETWORK.ACCORDING SA AMING MALIIT NA DAGA,MARAMI NA RAW NATATANGGAP NG GANITONG REQUEST ANG ABS.GUSTO BA NINYONG MAKALAPIT SI RUFFA KAY JLC.PATI IKAW OGIE LAGOT KA BAKA PATI IKAW MAPATALSIK KUNG BUMALIK ANG MGA GUTYERES SA DOS

  5. i think may ginawa or sinabi yung reporter bakit nagalit si annabelle rama. hindi naman magagalit ang isang tao at magwawala ng hindi sya na provoked. 

    • @masda3, kahit kailan naman ay talagang ugaling-demonyita yang mal-edukadang AnEvil na yan noh ! Masulyapan lang ng kaaway ay nagpo-provike na ng gulo.. Hay, talagang hanggang mamatay yang idio_tang yan ay di na mababago ang ugali nya…

  6. Sana manahimik na lang tong mga matatandang mga laos na to sa demanda nila…nakakaumay…pati si swarding bangkay nakisali na rin…

  7. nagpadala kasi sa sulsol na siya ay “mataray”. ayan, maski wala sa lugar gustong patunayan na siya nga ay “mataray”. kaso pumalpak. nadapa. nangudngud.

  8. pansin ko lang saiyo ogie BAKIT PARANG TAKOT N TAKOT KANG MAGALIT SAIY C NANAY ANNABELLE MO? ANO ANG DAHILAN OGIE? alam mo b habang ginaganyan mo yan c nanay annabelle mo LALONG LALAKI ANG SUNGAY NG BABAENG YAN KC MARAMI KAKAMPI CY (bayaran mo o hindi n reporter ewan ko kong saan k don ogie) dapat jan ibanned nyong mga reporter para magtanda o tumino c nanay annabelle mo, ako dati may respeto p ako s kanya khit marami cyang kaaway PERO NON MAPANOOD KO CY S TV PATROL N PINAGSISIGAWAN C NAIDA NAWALAN AKO NG GANA JAN K TITA ANNABELLE MO, naitanong ko s sarili ko ANONG KLASENG TAO ITONG C ANNABELLE.

  9. dapat mapuruhan si monster mom. marami witnesses si chito. mismo atty. kapunan naroon at nagpriprisinta as his lawyer.

  10. ogie, di na dapat pagtakhan ang ugali ni anabil kase kahit langaw at ipis inaaway niya. Tingnan mo, wala kang makikita kahit isang ipis at langaw sa bahay nila…Mabisa syang ants/roach killer. Pwedeng-pwede siyang endorser ng insecticide. bwahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.